^

PSN Opinyon

LTO: Serbisyo o Singil?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Kung ang isang ordinaryong tao ay mabangga sa kalsada, ang unang iniisip niya ay kung paano gagamutin ang sugat, saan kukuha ng pambayad, at paano mababawi ang pinsala. Pero ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, may mas malaking problema raw na dapat kalusin ang sistemang dapat sana’y tumutulong sa biktima ng aksidente.

Matindi ang banat ni Remulla sa Land Transportation Office o LTO dahil sa umano’y sabwatan o “cartel” sa third-party liability insurance. Ang punto niya may ­insurance nga, pero paano naman makikinabang ang pobreng nabangga kung walang malinaw na serbisyo at tulong para makapag-claim?

Dito tayo dapat matauhan. Hindi puwedeng kapag bayaran at singilan, ang bilis ng sistema, pero kapag ang tao na ang nangangailangan ng tulong, biglang “bahala ka na.” Hindi dekorasyon ang gobyerno. Hindi dapat puro koleksyon, renewal, registration, penalty at kung anu-anong bayarin ang alam ng ahensya.

Ang tanong ng masa simple lang: Kapag may nabangga at nasaktan, sino ang tutulong sa kanya? Kung totoo ang alegasyon ni Remulla na mas nakatutok sa pera kaysa serbisyo ang ilang proseso, aba’y hindi ito simpleng sablay. Sampal ito sa mukha ng ordinaryong Pilipino.

At hindi lang insurance ang binanat ni Remulla. Pati umano’y “non-appearance” scheme sa emissions testing ng Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVICs ay kanyang kinuwestiyon. May mga sentrong sinasabing umaabot sa libu-libo ang nire-report na emission tests bawat buwan kahit mas mababa umano ang aktuwal na bilang ng dumaraan sa pagsusuri.

Kung may ganitong kalokohan nga, sino ang niloloko? Ang motorista na nagbabayad nang tama? Ang gobyernong kumokolekta? O ang buong publiko na araw-araw sumisinghot ng maruming hangin?

Hindi maliit na bagay ang usaping ito. Kapag peke o minadali ang emissions testing, hindi lang papel ang nadudumihan. Hangin mismo ang nilalason.

Pero tandaan: mga alegasyon pa lamang ito at ­kailangan itong patunayan sa masusing imbestigasyon. Dapat ding marinig ang panig ng LTO at iba pang sangkot na ahensya.

Pero isang bagay ang hindi dapat makalimutan: ang gobyerno ay hindi negosyo na ang sukatan ay kung magkano ang nakolekta. Serbisyo publiko ito.

Kaya kung may sistemang sablay, may butas, o may kumikita habang kawawa ang taumbayan—kalampagin. Imbestigahan. Linisin.

Dahil sa kalsada, pare-pareho tayong motorista at mamamayan. Kapag aksidente ang dumating, hindi mo puwedeng sabihin sa biktima, “Good luck sa pag-claim.” Ang gobyerno ang dapat unang tumulong hindi unang maningil.

JESUS CRISPIN REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with