School officials, pabor sa transparent bag ng estudyante!
Positibo ang pagtanggap ng mga School Superintendents sa mungkahi ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño na paggamit ng transparent bags bilang karagdagang hakbangin para sa kaligtasan ng mga estudyante at school personnel. Kaya lang, sa kanilang pakikipag-usap sa mga Provincial at City police directors, ipinaliwanag ng mga school officials na hindi nila kaagad-agad maipa-implement ito sa kadahalinang iakyat muna nila ito sa kanilang higher-ups at maging sa Parent-Teachers Association. “Maganda ang feedback ng mga school officials sa mungkahi ng PRO6. Kaya lang hindi puwede na sila lang ang magdesisyon dito dahil kailangan din ang pagsang-ayon ng nakakataas nilang opisyal at iba pang stakeholders, tulad ng PTA,” ani Tuaño. Puridang yawaahhhhh! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang mungkahi ni Tuaño ay isinulong matapos ang tatlong shooting incidents sa mga eskuwelahan, at ang huli ay sa Banga National High School sa South Cotabato kung saan tatlo ang namatay at walo ang nasugatan. Ipinahayag ni Tuaño na sa paggamit ng mga estudyante ng transparent bags, makikita ang laman nito, lalo na kapag baril at madaling masita ito ng security guards o pulis. Hindi lang ‘yan! Kapag nakita ng kapwa estudyante na may baril sa loob ng bag, makakaiwas kaagad sila sa may dala nito at mailayo sila sa kapahamakan. Ang mungkahi n’ya, ayon kay Tuaño ay hindi “stand-alone” solution o garantiya ng 100 percent safety sa schools subalit makadagdag ito sa layer ng seguridad sa mga eskuwelahan. Ganun na nga!
“Hindi natin sinasabing transparent bag ang sagot sa lahat ng security concerns sa ating mga paaralan. Ang sinasabi natin, kung may simple at practical na paraan para mas mapahirap ang pagtatago ng armas at mas mapadali ang detection, bakit hindi natin ito pag-aralan bilang dagdag na proteksiyon?” ang tanong ni Tuaño. Iginiit pa ni Tuaño na hindi rin pamalit ang transparent bag sa ibang hakbang. Maaari itong sabayan ng mas maayos na access control, pagpapalakas ng fences at iba pang physical security, detection systems, guidance and counseling, early identification ng concerning behavior, pakikipag-ugnayan sa mga magulang at komunidad, at angkop na police visibility. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
“Hindi tayo naghahanap ng isang perfect solution dahil wala naman talagang ganoon pagdating sa security,” ani Tuaño. “Ang ginagawa natin ay hanapin ang mga puwedeng kahinaan at bawasan ang mga ito one layer at a time. Kung may practical na hakbang na makababawas sa risk, dapat natin itong pag-usapan at pag-aralan,” aniya. Anong sey mo PNP chief Gen. Jose Mellencio “Tateng” Nartatez Jr Sir? Abangan!
- Latest




















