^

Police Metro

Pamamaril sa BNHS sa South Cotabato, planado!

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa
Pamamaril sa BNHS sa South Cotabato, planado!
Education officials inspected on Saturday the scene of the deadly gun attack. the day before, inside the Banga National High School campus in Banga, South Cotabato.
Philstar.com / John Unson

MANILA, Philippines — Planado ang pamamaril ng isang 16-anyos na estudyante sa Banga National High School(BNHS) sa Banga, South Cotabato noong Biyernes na kumitil ng buhay ng 3 estudyante kabilang ang shooter habang pito pa ang nasugatan.

Ito ang inihayag  ni ­Banga Mayor Albert Palencia sa isang radio interview base sa imbestigasyon ng Banga Municipal Police Station (MPS) kung saan ang shooter ay miyembro ng “True Crime Community” na plinano ang pamamaril simula pa noong Agosto ng taong ito.

Ayon kay Palencia, sinabi pa ng shooter sa group chat sa ilang mga kaklase at kaibigan na umalis sa nasabing eskuwelahan kung hindi nila nais na ma­damay sa insidente dahilan itutuloy na umano niya ang pamamaril sa nasabing araw (Setyembre 18).

Sa salaysay ng mga kaibigan ng namaril na shooter, noon pa umanong Agosto pinaplano ng menor-de-edad na suspect ang pamamaril matapos siyang mag-miyembro sa naturang online community group o deep dark web na nang-iimpluwensya ng karahasan. Kabilang dito ay uutusan kang mamaril sa eskuwelahan o komunidad para makapatay at makasugat saka pagkatapos nito ay mag-suicide.

Sang-ayon sa mga kaibigan ng suspect ay noon pa umanong Setyembre 3 dapat namaril ang naturang estudyante pero hindi ito natuloy at sinabing itutuloy na lamang niya ito sa susunod sa Setyembre 18 dahil kailangan pa umano niyang makuha ang armas na kaniyang gagamitin.

Naisakatuparan ng nasabing estudyante ang pamamaril sanhi upang tatlo ang nasawi kabilang siya na nagbaril sa sarili habang pito ang nasugatan.

Hindi umano nagsumbong sa kanilang guro ang mga kaibigan ng suspect dahil inaakala nilang nagbibiro at nagpapatawa lamang ito kung saan nang aktuwal na isagawa na nito ang pamamaril dakong ala-1:15 ng hapon noong Setyembre 18 ay dito na nila napagtanto na totoo ang banta.

MPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with