^

Police Metro

Parcel ng droga, isinuko ng 2 rider sa pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa
Parcel ng droga, isinuko ng 2 rider sa pulis
Ang ‘di tinukoy na mga rider ay nakatakdang magdeliber ng package alas-11:00 ng gabi ng Setyembre 18, ngunit dahil sa hinala ay ipinakita muna sa nadaanan nilang pulis, na siyang sumuri at nakatuklas na naglalaman ng 28 gramo ng kush, 2 pakete ng marijuana na may fruiting tops na 800 gramo at 9 na assorted marijuana oil cartridges na may 9 ml.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Pinuri ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsurrender ng dalawang delivery rider sa kahina-hinalang parcel sa halip na ideliber na nadiskubreng iligal na droga sa Barangay Parang, Marikina City, gabi ng Biyernes.

Ang ‘di tinukoy na mga rider ay nakatakdang magdeliber ng package alas-11:00 ng  gabi ng Setyembre 18, ngunit dahil sa hinala ay ipinakita muna sa nadaanan nilang pulis, na siyang sumuri at nakatuklas na naglalaman ng 28 gramo ng kush, 2 pakete  ng marijuana na may fruiting tops na 800 gramo at 9 na assorted marijuana oil cartridges na may 9 ml.

Nasa kabuuang P150,000 ang halaga ng nakumpiskang iligal na  droga, na sinaksihan ng mga opisyal ng barangay na dinala sa Station Intelligence Section ng Marikina City Police Station.

Ikinatuwa ni NCRPO chief, P/Brig. Gen. Christopher Abrahano ang pakikipagtulungan ng komunidad sa pulisya sa pagpuri sa dalawang rider, sa pagpapakita ng magandang halimbawa ng huwarang mamamayan.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with