^

Police Metro

Baste Duterte pinadedeklarang ‘hostile witness’

Joy Cantos - Pang-masa
Baste Duterte pinadedeklarang  ‘hostile witness’
Davao City ­Mayor Sebastian “Baste “ Duterte
Photo courtesy of PPP

MANILA, Philippines — Hihilingin ng prosecution sa Senate impeachment court na ideklarang “hostile witness” si Davao City ­Mayor Sebastian “Baste “ Duterte na una nang pinaisyuhan ng subpoena para dumalo at magbigay ng testimonya sa mga kontrata na pinasok ng kapatid nitong si Vice President Sara Duterte sa pamahalaang lungsod na balwarte ng kanilang pamilya.

Ito ang inihayag ni private prosecutor at Spokesman Benjamin “Jay” Tolosa  Jr., kung saan susuriin ang testimonya ni Mayor Baste hinggil sa Gencorp. Industries, ang kumpanya na tinukoy ni VP Sara sa kaniyang SALN sa mga pinasok nitong kumpanya sa pamahalaang lungsod ng Davao.

 “So gusto natin makita kung nagkaroon ba ng any dealings itong kumpanya na ito with the city government of Davao,” ani Tolosa.

Si Baste ay isa sa mga testigo na ipina-subpoena ng prosecution panel kaugnay ng pagbusisi sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs ) at mga corporate at iba pang mga rekord sa gobyerno ni VP Sara.

Inihayag ni Tolosa na nais nilang madetermina na ang GenCorp ay may tran­sakyon sa pamahalaang lungsod ng Davao sa panahon ni Mayor Baste bilang alkalde at ma-establisa ang nasabing mga deals na pinasok ng naturang kum­panya sa naturang tanggapan. Itinakda ang pagdalo sa paglilitis ni Mayor Baste sa Setyembre 23.

BASTE

DUTERTE

SALN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with