^

Police Metro

P60 dagdag-sahod sa NCR, epektibo sa September 26

Ludy Bermudo - Pang-masa
P60 dagdag-sahod sa NCR, epektibo sa September 26
This undated photo shows an individual counting Philippine peso bills.
The Philippine STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Makatatanggap na ng P60 na dagdag sa arawang sahod ang mga minimum wage earner sa National Capital Region (NCR) simula sa Setyembre 26, 2026.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang Wage Order NCR-28 na inilathala noong Biyernes at magkakabisa makalipas ang 15 araw, ay nagtataas sa minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural sector mula P695 patungong P755 at para sa mga manggagawa sa agrikultura mula P658 patungong P718.

Inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR ang wage order matapos sundin ang itinatag na tripartite na proseso sa pagtatakda ng sahod.

Pinaalalahanan ng DOLE ang mga employer na sumunod sa bagong wage rates sa sandaling magkabisa ang mga ito, at tiniyak sa mga manggagawa na babantayan ng departamento ang implementasyon.

Ang pagtaas ng sahod ay inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 1.1 milyong daily wage earners sa Metro Manila, batay sa datos ng DOLE.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with