^

PSN Opinyon

LTO, sa wakas may matinong chief!

ON POINT - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Marami na akong nakapanayam na opisyal ng gobyerno. Hindi na ako madaling ma-impress sa magagandang salita o presentation. Pero matapos ang aking one-on-one inter­view kay LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, masasabi ko nang direkta: he is the best LTO chief by far.

Bakit? Dahil hindi lang siya mahusay magsalita—may direksiyon at resulta. Sariling hanay muna ang dinidisiplina. Mga tauhang sangkot sa misconduct, dishonesty, extortion, falsification at neglect of duty ay pinapanagot. Kung ser­yoso kang maglinis ng sistema, dapat magsimula sa loob.

Ganito rin ang tindig sa kalsada. Mahigit isang libong lisen­siya na ang nasuspinde o na-revoke laban sa reckless at irresponsible drivers. Ang driver’s license ay pribilehiyo, hindi lisensiya para maging hari ng kalsada. Walang puwang ang road rage at abusadong pagmamaneho.

Hindi rin ordinaryong motorista lang ang napapalo. May dealerships na pinarusahan dahil sa delayed OR, CR at plates, habang may driving schools na nawalan ng accreditation dahil sa violations. Kapag mali, pati negosyo at institusyon dapat managot.

At dito ako lalong napabilib. Para sa OFWs, ang renewal na dating maaaring umabot sa ?6,000 kasama ang medical at courier service, ay ?585 na lamang dahil libre na ang medical at courier. Mula ?6,000, ?585—iyan ang repormang ramdam agad sa bulsa.

May “I-Report Mo Kay LTO Chief” din para maisumbong ang fixer, katiwalian, road rage at abusadong motorista. Ang seryosong pinuno ay hindi takot sa reklamo—gina­gamit niya ito para ayusin ang sistema at panagutin maging sariling tauhan.

Kaya kinilala si Lacanilao ng RPMD Foundation Inc. bilang­ Outstanding Public Servant at ginawaran ng Laurel of Excellence para sa accountability, modernization, effi­ciency at enforce­­­ment without fear or favor. Hindi ito papuri. Tugma ang pag­kilala sa aksiyon.

Iba na ngayon ang tingin ng marami sa LTO. Bumalik na ang bilib, tiwala at kumpiyansa dahil may basehan: may tauhang napapanagot, lisensiyang sinuspinde o ni-revoke, dealers at driving schools na pinarusahan, at serbisyong pinamura para sa OFWs. Nasa record talaga. Para sa akin, Asec. Markus Lacanilao is the best LTO chief by far.

LTO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with