Grave threats kay VP Sara walang epek sa trial

MANILA, Philippines — Hindi umano makaaapekto ang kasong grave threats laban kay Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy na impeachment trial laban sa kanya.
Ito ang sinabi ni kahapon ni Senate President Sherwin Gatchalian dahil ang kriminal na kaso sa regular na korte ay ganap na hiwalay at may magkaibang proseso kumpara sa impeachment proceedings sa Senado.
Ipinaliwanag ni Gatchalian ang mga sumusunod na dahilan kung bakit magkaiba ang dalawang usapin.
Ang kasong grave threats na nagresulta sa pagpapalabas ng warrant of arrest ay isang kriminal na kaso sa ilalim ng Quezon City Regional Trial Court (RTC). Sa kabilang banda, ang impeachment naman ay isang politikal na proseso sa Senado upang matukoy kung dapat bang matanggal sa pwesto ang isang opisyal.
Samantala, sinabi ni Gatchalian na dapat seryosohin ang mga pahayag ni Duterte tungkol sa mga banta at pangha-harass, kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
“Dapat kung meron man banta, kung meron nararamdaman o nakikita ang Bise Presidente na banta sa kanyang buhay at pamilya, dapat seyosohin ito,” ani Gatchalian.
Dapat aniyang tingnan ng kapulisan kung saan nanggagaling ang banta.
Mahalaga aniya ang kaligtasan ng lahat, maging mataas na opisyal man ng gobyerno o ordinaryong Pilipino.
Si Duterte ay nagpiyansa sa isang korte sa Quezon City, isang araw matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng kasong grave threats na kung saan ay nagpahayag ito na hindi niya nararamdaman na siya ay ligtas.
- Latest



















