^

PSN Opinyon

Yaman mo, suriin mo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Para sa mga karaniwang tao, ang “lifestyle check” ay madaling intindihin, kung saan galing ang yaman ng isang opisyal at tugma ba ito sa kanyang kinikita. 

Meron palang, 107 opisyal ng gobyerno ang sinusuri ng Office of the Ombudsman, lalo na sa mga ahensiyang kumokolekta at humahawak ng malaking pera gaya ng Bureau of Customs at Land Transportation Office.

Hindi ito simpleng usapin ng kotse, bahay, relo o ma­mahaling bakasyon. Ang tunay na tanong kung sapat lang ang suweldo mo, saan nanggaling ang biglang pagyaman mo?

May batas na nagsasabing dapat mamuhay nang simple­ at naaayon sa posisyon at kita ang mga lingkod-bayan. Kaya kung ang ordinaryong empleyado ay pinagkakasya ang sahod para sa pagkain, upa, kuryente at pag-aaral ng anak, nakakagalit makita ang ilang opisyal na parang walang katapusan ang pera.

Lalong masakit dahil kasabay nito ang problema sa Commission on Audit. Aminado ang COA na kapos sila sa mga auditor na dapat sumilip sa paggamit ng pera ng bayan. Sa Bulacan, halimbawa, dalawang auditor lamang ang naiulat na nakatalaga sa isang district engineering office na nasasangkot sa imbestigasyon sa flood control scandal.

Isipin mo iyon billion of pesos ang pera ng bayan, pero kulang ang mga matang susuri kung saan ito napupunta.

May 332 personnel nang naibalik, pero kailangan pa rin umano ng halos 400 dagdag na posisyon. Kailangan din ng COA ng halos P2.5 bilyon para makapagtatag ng karagdagang pre-audit teams.

Dito dapat matauhan ang nasa laylayan. Ang pera na pinag-uusapan dito ay hindi pera ng mayayamang pulitiko. Pera natin iyan. Buwis ng drayber, tindera, magsasaka, manggagawa, OFW at ordinaryong pamilyang araw-araw kumakayod.

Kapag ninakaw o sinayang ang kaban, may katumbas itong gamot na hindi nabili, paaralang hindi naayos, kalsadang hindi natapos at flood control na maaaring hindi gumana kapag bumuhos ang ulan.

Kaya tama lang na siyasatin ang yaman ng mga opisyal. Pero dapat walang palakasan, walang pinipili at walang untouchable.

Kung malinis ang kamay, walang dapat katakutan. Pero kung marumi panahon nang buksan ang ilaw.

Disclaimer: Ang artikulong ito ay isang malayang pag­papaliwanag at komentaryo batay sa impormasyong nakasaad sa orihinal na ulat. Hindi ito paghatol sa sinumang opisyal at hindi nangangahulugang napatunayang may kasalanan ang mga iniimbestigahan.

LIFESTYLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with