^

Dr. Love

Dahil menopause , hihiwalayan?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Anim na taon nang nagpatanggal ng matres ang misis ko dahil sa bukol sa kanyang obaryo. Ngayon, sa edad na 50, napaaga ang kanyang menopause. Dahil wala na raw siyang matres, ayon sa doktor, naapektuhan ang aming sex life. Wala na siyang hilig sa romansa, nakararamdam ng pagkatuyot, at madalas ding may mood swings.

Pinayagan niya akong makipag-chat sa iba, at doon ako nawili. Hanggang sa mahulog ang loob ko at nagkaroon ng online girlfriend na handang ibigay ang hinahanap kong romansa. Plano na naming magsama, lalo’t ayaw na ring tumabi sa akin ng misis ko. Malalaki na rin ang dalawa naming anak. Napaisip ako na baka matuwa pa ang misis ko kung maghiwalay na lang kami. Tama ba ako?

Banjo

Dear Banjo,

Ang sitwasyon mo ay hindi simpleng usapin ng romansa, kundi ng pagbabago sa katawan at emosyon ng asawa mo dahil sa menopause. Natural na dumaan ang mga babae sa ganitong yugto, at hindi ibig sabihin nito na wala na siyang pagmamahal sa iyo. Kung buo na ang loob mo, kausapin mo nang masinsinan ang misis mo. Ipaliwanag mo ang nararamdaman mo, at huwag mong ipagpalit ang tahimik na pag-iwas sa malinaw na pag-uusap. Tandaan mo, hindi lang kayo ang apektado kundi pati ang inyong mga anak.

Kung sakaling dumating sa hiwalayan, ihanda mo ang sarili mo sa kahihinatnan ng desisyon mo. Hindi ito madali, at tiyak na masakit para sa pamil-ya. Pero kung pipiliin mo, gawin mo ito nang may respeto at malinaw na paliwanag. Ang pinakamahalaga, huwag mong gawing dahilan ang menopause para iwan ang asawa mo nang walang pag-uusap. Ang tunay na pagsasama ay sinusubok hindi lang sa saya, kundi pati sa hirap.

Dr. Love

BUKOL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with