PRO3, No. 1 sa performance rating ng PNP!
Kung nakangiti sa ngayon sina PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez at kanyang mga tauhan, may katwiran naman sila. Ang PRO3 kasi mga kosa, ang nanguna sa June 2026 Monthly Unit Performance Evaluation Rating, at itinaob nila ang 17 iba pang PROs sa Pinas..Dipugaaaaa! Maliit na bagay ‘lang..Ang naturang evaluation ay sumasaklaw sa police operations, administration, community relations at organizational management. Ibig sabihin, hindi lang sa rami ng operasyon o nahuli ang tinitingnan, kundi ang kabuuang performance ng organisasyon. Kaya tumpak lang na bigyan kredito ni Mendez ang rank-and-file ng PRO3. Dahil sa likod ng magagandang numero at accomplishment reports ay ang mga pulis na araw-araw na nagpapatrolya, rumeresponde, nag-iimbestiga, humahabol sa mga kriminal at nakikipag-ugnayan sa komunidad. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaya lang may kasunod na hamon ang pagiging No. 1. Kapag nasa ibabaw ka na, mas maraming nakatingin. Hindi puwedeng mataas ang rating pero nag-relax at mabagal na ang responde. Hindi puwedeng maganda sa papel pero hindi naman ramdam ng mamamayan ang serbisyo.
Ayon kay Mendez, isang karangalan ang pagiging No. 1 nationwide, pero kaakibat nito ang mas malaking responsibilidad na panatilihin at lalo pang pagbutihin ang performance ng PRO3. At ‘yan ang dapat tandaan.Dahil ang tunay na sukatan ng mahusay na pulisya ay hindi lamang ranking, medalya o certificate. Ang tanong: Ramdam ba ng tao? Mabilis ba ang responde kapag may humihingi ng tulong? Maayos ba ang pakikitungo sa presinto? Ligtas ba ang komunidad? At higit sa lahat, may tiwala ba ang mamamayan sa kanilang pulis? Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa ilalim ng pamumuno ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., patuloy na isinusulong ng PRO3 ang PNP Focused Agenda sa pamamagitan ng mga operasyon laban sa kriminalidad, mas matibay na ugnayan sa komunidad at mabilis na serbisyo publiko. Kasabay nito ang paninindigan sa “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.” Magandang slogan.Pero mas maganda kung nakikita sa aktuwal.
Kaya’t congrats sa PRO3. Pero pagkatapos ng palakpakan, balik-trabaho agad.
Dahil ang pagiging No. 1 nationwide ay hindi finish line.Abangan!
- Latest



















