DOTr, may libreng sakay bunsod ng masamang panahon
MANILA, Philippines — Nagkaloob ang Department of Transportation (DOTr) ng mga libreng sakay program upang umasiste sa mga commuters na apektado ng masamang panahon.
Ayon sa DOTr, ang programa ay isinagawa sa pakikipag-koordinasyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mula 6:00AM hanggang 8:00PM.
Maaari pa rin naman umanong magkaroon ito ng ekstensiyon, depende sa demand, partikular na sa rush hour. Mayroong kabuuang 13 ruta na available sa ilalim ng programa ng libreng sakay.
Kabilang dito ang Quiapo hanggang Fairview, Lawton hanggang PITX, Divisoria to Cubao (via Nagtahan), Baclaran hanggang Monumento (via Taft), Lawton hanggang Muntinlupa (Starmall), Heritage hanggang Market Market, Monumento hanggang PITX (Busway route), Kalentong hanggang Pasig, Buendia hanggang Makati Avenue, Quiapo hanggang Commonwealth, Marikina hanggang Cubao, Sta. Mesa hanggang Q. Avenue (via Araneta), at Baclaran hanggang Sucat.
Nabatid sa DOTr na may kabuuang 43 government vehicle assets ang idineploy upang umasiste sa mga istranded commters.
- Latest


















