^

Punto Mo

Gen. Nartatez, ­hinigpitan ang seguridad ng BARMM elections!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HALOS isang buwan pa ang elections sa BARMM, subalit pinaigting na ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang seguridad sa area upang maiwasan ang ambuscades, barilan at iba pang kaguluhan. Batid n’yo naman  mga kosa na kapag may elections, itong BARMM ay palaging patok ang patayan at kung anu-ano pang karahasan. “Ensuring the peaceful elections in BARMM is a continuing process. Security measures are in place, but regular monitoring and real-time adjustments are being done based on the situation on the ground,” ayon kay Nartatez. Sinabi ni Nartatez, na mahigpit ang kanilang koordinasyon sa AFP upang tugunan ang seguridad ng BARMM, bago at pagkatapos ng elections sa September 14. “We call on the public to remain alert and vigilant and report to authorities if they find any suspicious individuals or groups that may threaten security,” ayon pa kay Nartatez. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan!

Hindi naman mahihirapan ang PNP at AFP sa kanilang security operations sa BARMM elections dahil mismong ang Commission on Elections ay naglabas na ng “areas of concern,” na ibig sabihin ay ang mga lugar na mahigpit ang political rivalries at maaring sumiklab ang kaguluhan. Ang nangunguna ay ang Lanao del Sur na may 21 na red zones, samantalang sumunod naman ang Maguindanao del Sur na may 11orange zones. Ang Maguindanao del Norte at Basilan ay may iilang area na tinawag na mababa at mataas ang risk, subalit ang Tawi-tawi ay “secured at stable” ang seguridad. Teka, teka! Itong red zone mga kosa ay nangangahulugan na mataas ang risgo o may dating madugong komprontasyon sa mga pulitiko, samantalang ang orange zone ay ‘yaong may seryosong hamon sa seguridad. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

“The goal has always been to provide the safest environment for all our kababayan in the area to freely choose their next leaders, and eventually prove that BARMM is way different now compared to what it was known in the past, especially during elections,” ang giit ni Nartatez. Kasalukuyang ini-implement ng PNP at AFP ang kautusan ng Comelec na gun ban upang maiwasan ang karahasan. Sinabi ni Nartatez na may 9,463 na kapulisan ang kasalukuyang naka-deploy sa BARMM at umaasa s’ya na magampanan nila ang kanilang trabaho tungo sa peaceful elections. Abangan!

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with