^

Punto Mo

Himala: Maysakit na ina, gumaling! (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG nararamdaman mo Mama?’’ tanong ko nang makitang humiga sa sopa si Mama na tila lambot na lambot.

“Nanghihina ako. Parang nauupos.”

“Baka nagugutom ka, Mama.”

“Baka nga. Pero magpapahinga muna ako. P-parang wala akong lakas.”

“Sige Mama. Ipaiinit ko ang sabaw ng tinolang manok­ para makakain ka paggising mo.”

Bahagyang tumango si Mama at ipinikit ang mga mata.

Nagtungo ako sa kusina at ipinainit ang ulam at kanin. Habang ginagawa ‘yun ay punumpuno ng alalahanin ang aking isip.

Anong nangyayari kay Mama?

Baka mayroon siyang sakit at kailangan ang pagsusuri ng doktor?

Pero problema kung saan kami kukuha ng pera para pampa-checkup?

Nang maipainit ko ang ulam at kanin ay ginising ko na si Mama para kumain.

Bahagya na siyang nakakain. Mamaya na lang daw. Itinuloy nito ang pagtulog.

 

KINABUKASAN, may sinabi sa akin si Mama. Katatapos lang niyang maligo at naghahanda na patungo sa palengke.

“May nakapa akong bukol sa aking suso, Maria! Ano kaya ‘yun?”

Gumapang ang kaba sa aking pagkatao! Kanser?

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with