^

Metro

2 ‘pulis’ ipinakulong ng 2 babaeng call center agent

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 ‘pulis’ ipinakulong ng 2 babaeng call center agent
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Mga biktima kinasahan ng baril

MANILA, Philippines — Himas rehas ang dalawang lalaki matapos ireklamo ng dalawang call center agent na kanilang pinakitaan at kinasahan ng baril sa isang bar sa Quezon City.

Sa report na tinanggap ni Holy Spirit Station 14 Station Commander PLtCol. Wilfredo Fabros, binitbit ng mga pulis ang dalawang suspek nang humingi ng tulong ang dalawang babaeng biktima na nakasabay ng mga ito sa bar noong Biyernes.

Posibleng hindi ­umano alam ng dalawang suspek ang kanilang ginawa nang maglabas ng baril at kasahan ang dalawang biktima dala ng matin­ding kalasi­ngan.

Agad na humingi ng tulong ang mga biktima sa nagpapatrolyang pulis kaya sinita ang mga suspek. Tinanong ng mga awtoridad ang dalawa kung tunay na pulis sila at wala naman maipakitang katibayan.

Nakuha sa mga ito ang dalawang hindi lisensyadong baril at mga magazine habang mahaharap sa mga reklamong usurpation of autho­rity, grave threat at illegal possession of firearms.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with