^

PSN Opinyon

Yes We Filipinos Can...DNPH Smart Agritech Farm

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang makabago at modernong pamamaraan ng pagsasaka na ang layunin ay makatulong sa mil-yon-milyung magsasaka para matiyak ang pagkakaroon ng food security sa bansa.

Ang aking tinutukoy ay ang DNPH Smart AgriTech Farm na makikita sa Lipa Road, Talaibon, Ibaan Batangas.

Ayon kay Mikki Hontiveros, Farm Ope-
ration Head ng DNPH, nais ng management ng kanilang farm na mapagaan ang trabaho ng mga magsasaka sa pamamagitan ng Hydroponics Smart Farming.

Nagsimula ang DNPH noong 2022 at naging mabilis ang pagpalaot dahil sa pakikipagtulungan ng pamahalaan at Non Govermental Organization (NGO) na nagsusulong modernong sakahan.

Mula sa anim na greenhouse, ngayon ay walo na at may tanim ng iba’t ibang uri ng gulay at prutas tulad ng Japanese Melon.

Accredited learning site na rin ang DNPH makaraang makipag-tie up sa Agricultural Training Institute (ATI) attach agency ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Mikki, “ We Produces high-value vegetables and fruits like microgreens, kale, arugula, herbs, and melons using climate-resilient greenhouses, integrated pest/disease management, and data-driven automation systems to modernize local agriculture.”

May concept na Pick and Pay rin sa DNPH sa kanilang mga kostumer at ito ay ini-annouce sa kanilang FB page.

Pahayag pa ni Mikki, laging sariwa, masarap at masustansiya ang kanilang produce na gulay at prutas sa DNPH lalo na ang kanilang Japanese Melon na napakatamis at napakasarap.

Makikilala ang mga produce ng gulay at prutas sa DNPH sa kanilang trade mark na FRSH BYTS o Fresh Bites, bawat kagat at sariwa.

Inilunsad na rin ang DNPH ang pagtatanim ng palay sa pamamagitan ng Hydroponics na pamamaraan.

Ani Mikki, deserve ng bawat Pinoy na makakain ng sariwa, masarap at masustansiya gulay at prutas.

Pahayag pa ni Mikki, unti-unti ng sumasabay sa mga mauunlad na bansa sa larangan ng Agrikultura ang Pilipinas.

“Yes We Filipinos Can,” sabi pa ni Mikki

Sa mga gustong dumalo ng seminars at bumili ng mga produkto mula sa DNPH Smart AgriTech ay mag-text lang po mula kayo kay Mikki sa kanyang number, huwag po tawag sa 0955-664-39-32.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Ngayong Linggo, August 2, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Mikki sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Tumanggap na iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa gobyerno at NGO ang inyong Magsasakang Reporter at ang latest ay noong June 7, 2026 na ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Dangal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter na ginanap sa Lime Resort and Hotel sa Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with