‘Bopol’ sa impeachment trial pinupulutan sa social media
Tampulan pa rin ng mga komento sa social media ang sinasabing pabida at “bopol” sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Bagama’t ating iginagalang ang impeachment court, hindi pa rin maiaalis na pumuna sa kaganapan ng paglilitis na bukas namang inieere para sa mata ng publiko.
Patuloy na bumubuhos sa social media ang mga komentong may pagkutya at pagmamaliit habang ang mga kakampi ay “thumbs-up” pa rin sa kanila ang kanilang iniidolong senator-judges.
Kapansin-pansin kasi na habang gumugulong ang pagdinig, may mga “epal” na ang gusto lang ay umeksena sa trial at wala na sa hulog ang mga tanong.
Mismong si Senator-Judge Panfilo “Ping” Lacson na ang bumanat sa kanyang kapwa senador sa impeachment trial dahil sa pagiging “bopol” nito sa trial.
Gaya ni Lacson, “enjoyable” naman talagang panoorin ang balitaktakan ng mga magagaling na abogado mula sa prosekusyon at depensa, dahil sa marami tayong natutunan, pero kapag umeksena na ang isang “bopol”, laglag na tayo sa silya.
Isa pang problema, ang senator-judge ay kumakain ng oras sa mga interpolasyon at pagsasalita na wala namang kinalaman sa isyu at paglilitis.
Napansin pa ng netizens ang mga “irrelevant” na tanong sa mga testigo na siyang nagpapabagal sa paglilitis na hindi naman patungkol sa isyu at trial.
Dahil sa mga ipinapakita ng mga senator-judges, napapansin na ng publiko kung sino sa kanila ang “objective”, “neutral” at umaaktong tagapagtanggol ng “respondent”.
Pinagtatawan din ang isang senator-judge na tila hindi alam ang kanyang tunay na “role” sa impeachment court nang kanyang sitahin ang prosekusyon at pagsabihan na sila ay “one-sided”.
- Latest















