^

PSN Opinyon

Walang batang dapat maiwan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ang hamon ay hinarap nang may paninindigan at tunay na malasakit, walang imposible.

Pinatunayan ito ng Masonic District R III Nueva Ecija West sa pangunguna nina Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines Robert Joseph S. Moran, DDGM VW Calter Alfred G. Interior, ng nasabing distrito kasama ang mga Kapatid mula sa walong Subordinate Lodges at kanilang mga Worshipful Masters. Hindi sila nag-atubiling tumugon sa panawagan ng paglilingkod, at ang kanilang ginawa ay higit pa sa inaasahan ng marami.

Ang nagsimula bilang isang hamon sa ilalim ng pa­ngunahing programa ng Grand Master na “Bawa’t Bata ay Mahalaga” ay naging buhay na patunay na kapag nagkaisa ang mga Mason, kayang baguhin ang takbo ng kinabukasan ng isang komunidad.

Sa tulong ng kanilang bukas-palad na puso, ma­tatag na paninindigan, at taos-pusong malasakit sa edukasyon ng mga batang nag-aaral sa pampublikong paaralan, nabigyan ng bagong sigla ang mga silid-aralan. Higit pa rito, naiparamdam nila sa mga magulang, guro, at mga batang mula sa mga simpleng pamilya na may mga taong handang umalalay at maniwala sa kanilang mga pangarap.

Dito sa Nueva Ecija, alam natin ang hirap ng buhay. Maraming pamilya ang kumakayod mula umaga hanggang gabi, nagbabanat ng buto sa bukid at kung saan-saan makahanap lang ng ikabubuhay. Kaya ang bawat tulong na napupunta sa edukasyon ng mga bata ay hindi lang proyekto ito ay pag-asa. Ito ang liwanag na nagsasabing may bukas pang naghihintay sa bawat batang Pilipino.

Ito ang tunay na diwa ng ating Unang Haligi ng Paglilingkod – Brighter Future. Hindi lang ito tungkol sa pagtupad sa tungkulin. Ito ay tungkol sa pagkilos, pagkakaisa, at pagbibigay ng pagkakataon sa mga batang nangangarap na makaahon sa kahirapan.

Sa pamunuan ni VW Calter Alfred G. Interior, sa mga District Officers, Worshipful Masters, at sa bawat Kapatid ng walong Lodges ng Nueva Ecija West, taos-puso ang aming pagpupugay at pasasalamat.

Pinatunayan ninyo na ang “Bawa’t Bata ay Mahalaga” ay hindi lamang magandang pakinggan. Isa itong pangakong tinutupad sa pamamagitan ng konkretong gawa. Hindi kayo naghintay ng palakpak o papuri. Mas pinili ninyong mag-iwan ng bakas sa buhay ng mga batang higit na nangangailangan.

Sama-sama nating ipinapakita ang tunay na kahulugan ng Becoming Better Masons… by Building a Better World.

EDUKASYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with