^

PSN Palaro

Eala hahataw sa US Open

Pilipino Star Ngayon
Eala hahataw sa US Open
Alex Eala
STAR / File

MANILA, Philippines — Sasalang si Pinay tennis star Alex Eala para sa kanyang pinakahuling Grand Slam ngayong taon.

Opisyal na nakalista ang pangalan ng international tennis darling sa US Open na nakatakda sa Agosto 30 hanggang Setyembre 13 sa Flushing Meadows, New York.

Makakasama niya sa torneo ang ilan pang top-ranked players kagaya nina Aryna Sabalenka ng Belarus at Jannik Sinner ng Italy.

Nakalista si Eala bilang No. 29 sa confirmed list para sa mga direct entries na inilabas ng US Tennis Association bago ihayag ang seedings at draw.

Inaasahang ipagpapatuloy ni Eala sa US major ang kanyang naging ‘magical run’ sa Wimbledon kung saan siya gumawa ng kasaysayan sa Philippine tennis nang umabante sa Round of 16.

Siya ang unang Filipina player na nakakolekta ng 240 points para sa bago niyang career-best WTA ran­king na No. 28.

Bagama’t bumaba sa No. 29 sa pinakabagong ran­kings dahil sa kanyang pag-uwi sa bansa kamakailan ay magiging mainit pa rin ang mga braso ni Eala sa pagpalo niya sa US Open.

Ginulat ni Eala si World No. 15 Clara Tauson ng Denmark sa nakaraang US Open Round of 128 para maging unang Filipina match-winner sa anumang Grand Slam main draw bago siya magpasikat sa Wimbledon.

Bukod kay Eala, inaabangan din si Sabalenka, ang undisputed No. 1 female player sa buong mundo, na hangad ang ‘three-peat’ para maging unang female player na nanalo ng back-to-back US Open titles matapos si Serena Williams noong 2012-14.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with