^

PSN Opinyon

Mga paaralan pinatutukan ni Pnp Chief Nartatez

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATAPOS ang shooting incident sa Tacloban, naging eye opener na sa mga kapulisan ang pagtutok sa seguridad ng mga estudyante. Kaya naman lahat ng mga paaralan sa ngayon ay may mga nakatalagang mga pulis sa entrance at exit ng pampubliko at pribadong eskuwelahan.

Sa totoo lang, kapiranggot lang naman ang budget ng mga pribadong paaralan kaya’t wala silang kakayahang magtalaga ng mga security guard sa mga entrance gate kaya’t hindi maiiwasang makalusot itong mga estudyante na naghahasik ng takot sa kapwa nila estudyante. Ang masaklap pa nito, hindi maparusahan ang mga menor de edad na nakagawa ng krimen dahil nga sa batas na pinaiiral sa bansa.

Subalit sa nangyaring pamamaril ng 2 estudyante sa Tacloban, nag-iba ang ihip ng hangin at marami na ngayon ang nagsisigaw na parusahan ang mga ito, ikulong na naka-bukod sa mga matatanda at hardened criminal. Kung sabagay may katuwiran naman ang pagparusa sa mga kabataan dahil dala-dala na nila ito hanggang sa kanilang paglaki kung hindi sila madisplina ng maayos ng kanilang mga magulang.

At upang maiwasan ang mga insidente sa loob ng mga paaralan, may kanya-kanyang tasking ang mga kapulisan sa iba’t ibang paaralan. Sa ngayon, hinihimok ng Philippine National Police (PNP) ang mga barangay officials lalong lalo na itong mga tanod upang maging force multipliers sa mga security guard ng mga paaralan. Kaya’t sa konting kaguluhan lamang ay andyan na agad ang mga pulis at mga force multiplier upang mapahupa ang gulo. Ang masaklap lang nito, may mga estudyante na naghahasik ng mga maling impormasyon kayat nagkakaroon ng panic sa loob ng mga eskuwelahan.

Subalit mukhang matutuldukan na iyan sa hinaharap dahil sa ngayon nakatutok na itong kapulisan sa social media upang tukuyin itong mga nagpapakalat ng maling impormasyon, at oras na matumbok ang mga ito, tiyak na may kalalagyan sila sa batas. Sa ngayon ay pinagtatalunan na ng magigiting nating mga mambabatas na rebisahin itong batas para sa mga kabataan, lumalakas kasi ang ugong na ibaba na sa 10 taon ang criminal liability.

Para makaiwas, ipagbigay alam agad sa inyong guro kung kayo’y nakararanas ng pambu-bully sa loob at labas ng inyong paaralan upang mapigilan ang mga ito. At sa mga magulang, aba’y pakatutukan ninyo ang inyong mga anak. Gabayan sila tungo sa kabutihang asal at paiwasin sila sa mga basag ulo.

TACLOBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with