INC lightning rally, ‘failure of intelligence!’
NAGULANTANG ang sambayanang Pinoy sa “lightning rally” na isinagawa ng powerful sect na Iglesia ni Cristo sa People Power Monument sa Quezon City upang ipakita ang kanilang suporta kay embattled Sen. Rodanto Marcoleta. Napipinto kasing kakasuhan ng Ombudsman si Marcoleta ng plunder, na isang non-bailable offense. Araguyyyyy! Kaya lang, mukhang na gulpi-de-gulat ang militar at kapulisan sa protest rally ng INC dahil nakaporma na ang mga raliyesta bago dumating ang anti-riot policemen. Mukhang may “failure of intelligence.” Mabuti na lang at nakabawi si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. at idineklara kaagad ng bandang 5 a.m. ang full alert sa hanay ng kapulisan upang siguruhin na mapayapa at matiwasay ang protest rally, na nagdulot ng super trapik sa northbound lane ng EDSA. Maaring nakuha ng INC ang atensiyon ng Malacañang, kaya lang nag-backfire sa kanila ang resulta dahil galit-na-galit ang mga apektado ng trapik, kung saan marami ang naglakad at ang iba naman ay late o hindi na nakapasok sa kani-kanilang opisina. Purbidang yawaahhhhh! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa totoo lang, hindi nahagip ng intel ng AFP at PNP itong pagkilos ng INC? Kasi mismong si President Bongbong Marcos ang nagsabing “hindi ko alam ito.” Dipugaaaaa! Kadalasan kasi, itong mga nakaraang rally ng INC ay inaanunsiyo nila bago ang due date. Subalit itong rally nitong Martes ay walang abiso. Sinabi ng mga kosa ko sa INC sa Sampaloc, ng biglang nagtawag ang mga lider nila bandang alas-2 ng madaling araw, kaya maging ang mga miyembro ng INC ay nagulat din. ‘Yaong taga-Sampaloc ay naglakad lang papuntang Liwasang Bonifacio, samantalang ang malaking bahagi ng kanilang mga kasama ay sa White Plains nagtipun-tipon. Ang masama ang mga sasakyan nila, kasama ang mga bus ay nakahambalang sa gitna ng EDSA kaya standstill ang trapik. Sanamagan! Perwisyo ang idinulot sa kababayan natin, na karamihan ay nagmamadaling pumasok sa trabaho. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Humahangos namang dumating si NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin sa rally site. Inamin n’ya na walang permit ang INC rally. Nang tanungin kung idi-disperse n’ya ito, ang sagot ni Aberin ay hindi na puwede kasi sa oras na ‘yaon halos 7,000 na ang mga protestors. Paano i-disperse ni Aberin ang “kapatiran” n’ya? Wala namang kaguluhan sa INC rally kaya binigyan sila ng permit ng LGU ng Quezon City noong July 2. Na-extend ang rally permit sa kasunod na araw subalit binawi sa last minute. Sal-it! Ang protest rally ng INC ay lumipat sa Liwasang Bonifacio, na itinuring na isang freedom park, at hindi na kailangan ang rally permit. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Dapat may managot dito sa aspetong “failure of intelligence.” Abangan!
- Latest















