^

PSN Opinyon

P50-M multa sa pasaway na social media, lusot na sa Kamara

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TINULAK nina House Speaker Faustino ‘Bojie’ G. Dy III at Majority Leader Ferdinand Alexander ‘Sandro’ Marcos ang panukalang magpapataw ng hanggang ?50 milyong multa sa mga social media platform na mapapabayaang malagay sa peligro ang mga bata sa internet.

Sa ilalim ng House Bill No. 9965 o Children’s Social Media Safety Act, obligado ang mga platform na tiyaking ligtas ang mga batang gumagamit ng kanilang serbisyo. Kabilang dito ang mahigpit na age verification, parental controls, at agarang pagtanggal ng mapanganib na content.

Kapag paulit-ulit ang paglabag, hindi lang multa ang katapat. Maaari ring harangan o ipagbawal ang operasyon ng social media platform sa Pilipinas, basta’t dumaan sa tamang proseso ng batas.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng social media sa mga batang wala pang 13-anyos. Para naman sa edad 13 hanggang 17, kailangan ang malinaw na pahintulot at tuluy-tuloy na gabay ng magulang o guardian.

Target din ng panukala ang mga algorithm na nagtutulak ng nakalalasong content, fake posts, at AI-generated na panlilinlang. Gusto ng Kamara na masagot ng mga social media company ang tanong: ligtas ba talaga ang mga batang gumagamit ng kanilang platform?

Ayon sa mga may-akda ng panukala, panahon nang papanagutin ang malalaking social media platform. Hindi puwedeng puro kita habang napapabayaan ang kaligtasan at kinabukasan ng mga kabataan.

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with