^

PSN Opinyon

Gutom ang kalaban, bata ang tinatamaan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Hindi normal na may batang pumapasok sa paaralan na tubig lang at pag-asa ang laman ng tiyan. Pero ito ang mapait na realidad ng libo-libong pamilyang Pilipino araw-araw.

Mas nakakabahala, mas dumarami pa ang mga batang nakararanas ng stunting—isang tahimik ngunit mapamin­salang epekto ng matagal na gutom at kakulangan sa nutris­yon. Hindi lang paglaki ang naaapektuhan nito, kundi pati pag­katuto, kalusugan, at kinabukasan ng isang bata.

Kaya tama lang ang panawagan ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na pabilisin ang pagpapatupad ng National Nutrition Program. Hindi na puwedeng hintayin pa. Habang tumatagal ang aksyon, mas maraming pangarap ang unti-unting namamatay sa gutom.

Ayon sa DOST-FNRI, umakyat sa 25.3 porsiyento ang kaso ng stunting noong 2025. Hindi ito basta numero. Bawat porsiyento ay batang maaaring mahuli sa pag-aaral, mada­ling magkasakit, at mawalan ng pagkakataong makaahon sa kahirapan.

Ang gutom ay hindi lamang usapin ng pagkain. Isa itong hadlang sa edukasyon, pag-unlad, at magandang kinabukasan. Dahil hindi makakapagpokus ang batang gutom. Hindi matututo ang isip kung ang tiyan ay walang laman.

Kung tunay nating pinahahalagahan ang kinabukasan ng bansa, dapat magsimula tayo sa pinakasimple ngunit pina­kamahalagang hakbang—siguruhing walang batang Pilipino ang nagugutom.

Dahil kapag may batang gutom, hindi lang tiyan ang walang laman. Pati pangarap at pagkakataon, unti-unti ring nauubos.

GUTOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with