^

PM Sports

Tropang 5G, Gin Kings agawan sa 3-2 lead

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Uumang sa kampeonato ang reigning titlist na Talk ‘N Text at Barangay Ginebra sa pampurong Game 5 ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup finals ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Pinurnada ng Tropang 5G ang koronasyon nina RJ Abarrientos bilang Best Player of the Conference at Justin Brownlee bilang Best Import para sa Ginebra sa Game 4 at walang balak magpaawat upang masikwat ang 3-2 bentahe sa best-of-seven titular showdown.

Magkakaroon ng tsansa dito ang TNT sa alas-7:30 ng gabi para sa mas malaking oportunidad na tapusin na ang serye sa Linggo sa parehong venue.

“The players responded. We just have to keep our composure and stick to our game plan,” ani coach Chot Reyes matapos ang 106-98 panalo sa Game 4 upang maitabla ang serye sa 2-2.

Yuko ang TNT sa Game 3, 116-102, subalit ayaw magpahulog sa 3-1 kumunoy at itinaon pa ang higanti sa awarding ceremony nina Brownlee at Abarrientos na nauwi sa wala ang 32 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nadiskaril din ang paggawad kay Scottie Thompson bilang pinakabagong miyembro ng PBA 5,000-point club nang magkasya lang sa 4 puntos matapos magsaboy ng 17 puntos, 11 rebounds at 11 assists na triple double sa Game 3.

Bumida sa pagsopla ng TNT dito sina Jordan Heading, Chris McCullough, Jayson Castro, Calvin Oftana at Brandon Ganuelas-Rosser nag-ba?anihan sa 29, 24, 14, 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with