^

PSN Opinyon

‘Hindi baha ang pumapatay sa Bayan, kundi Kurapsyon’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Habang lubog sa baha ang mga komunidad, may mga bulsang umaapaw sa pera.

Galit na ang madlang Pinoy. Sawang-sawa na sa walang tigil na kurapsyon na parang sakit na kumakain sa gobyerno. Bilyun-bilyong piso ang nawawala sa mga proyektong dapat sana’y nagsasalba ng buhay at kabuhayan. Sa halip na mapunta sa kalsada, tulay, at flood control, napupunta sa bulsa ng iilan.

Isipin mo napakalaking pondo ang inilaan para labanan ang baha, pero kalahati raw nito ang nalusaw sa kickback, overpricing, at mga proyektong papel lang ang meron. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit taun-taon tayong lumulubog sa baha habang may mga opisyal na lalong yumayaman.

Ang masakit, habang hirap ang karaniwang mamamayan sa taas ng presyo ng bilihin, buwis nang buwis, at kayod nang kayod, may mga taong ginagawang negosyo ang kaban ng bayan.

Kapag mahirap ang nagkamali, mabilis ang kaso. Kapag makapangyarihan ang sangkot, biglang bumabagal ang hustisya. Kaya nawawalan ng tiwala ang tao sa sistema. Marami ang naniniwalang para lang sa may pera at impluwensya ang batas.

Hindi lang pera ang ninanakaw ng kurapsyon. Ninanakaw nito ang pagkakataong makapag-aral ang bata, makapagpagamot ang maysakit, makahanap ng trabaho ang walang hanapbuhay, at mabuhay nang may dignidad ang mga nasa laylayan.

Habang may kurapsyon, lalong lumalalim ang kahirapan. At habang mahirap ang tao, mas madaling bilhin ang boto, takutin ang mamamayan, at lokohin ang bayan. Paulit-ulit ang siklo.

Hindi sapat ang puro pangako. Kailangan ng tunay na pananagutan, matibay na hustisya, at mamamayang handang maningil sa mga abusado. Hindi mababago ang bansa kung patuloy nating palalampasin ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ang laban sa kurapsyon ay laban para sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

Kapag ninakaw ang pera ng bayan, hindi lang kaban ang nababawasan kinabukasan ng buong sambayanan ang ninanakaw.

KURAPSYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with