Sarsuela sa Senado
Sentro ngayon ng mga balita ang Senado. Ang mga trabaho ng mga Senador at katauhan mismo ng Senador. Ang mga tagagawa ng batas.
Kawawa tayong mga Pilipino dahil tayo ang direktang apektado ng mga gulo ng mga mambabatas. Naghahanapan ng butas. Tsk, tsk, tsk… Sarsuela sa Senado.
Mula sa putukan sa Senado, palitan ng Senate president hanggang sa pagsisiwalat ng mga ‘Ex Marines’ na nagdala ng mga maleta sa mga kongresista at senador.
Bagama’t lumilinaw na ang isyu sa putukan sa Senado kung saan si dating Sergeant at Arms Office Chief Mao Aplasca ang tinutukoy na nagpaputok, marami pa ring kuwestiyon kung sino ang nag-utos dito?
Dalawang ulit ding nagpalit ng Senate President kaya hilong-talilong na ang sambayanan.
Biglang sumulpot si Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa kaya nagbago ang majority at si Sen. Alan Peter Cayetano ang pumalit kay dating Senate President Tito Sotto.
Tumalon si Sen. Chiz Escudero sa Minority kaya naman nagkaroon muli ng palitan ng Senate President kung saan si Sen. Sherwin Gatchalian ang nahalal na acting senate president.
Ngayong humarap naman ang mga ’18 ex-Marines’, panibagong pagkuwestiyon at sawsawan na naman ang mangyayari. Ano na naman kaya ang kahihinatnan nito?
Malaking kuwestiyon kasi ang intensiyon ng mga dating Marines sa kanilang paglantad lalo na sa pagdadala ng mga maleta na may milyung-milyong halaga na katas ng flood control projects.
Dapat sigurong tanggalin na sa Senado ang mga “in aid of legislation” dahil tila publicity ang hanap ng mga ito at hindi tunay na serbisyo sa publiko. Hayaan na lamang ang Sandiganbayan, Ombudsman at korte ang lumitis sa mga sangkot sa anomalya.
Maawa kayong mga Senador sa mga Pilipino!! Hindi na kayo napapakinabangan at hindi na ramdam ang mga sinasabi n’yong serbisyo. Pokus na lang sa trabaho!
- Latest
















