^

PSN Opinyon

Wanted: Bato dela Rosa, armado at mabangis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Wanted: Bato dela Rosa, armado at mabangis
Senator Bato dela Rosa

Planado lahat ng naging kilos ni Senator Bato dela Rosa. At kasapakat niya ang 12 miyembro ng mayorya sa Senado.

Maituturing na pugante o fugitive from justice si Bato. Umalis na siya sa saklaw ng Hudikatura. Pakitang-tao na lang ang mga petisyon ng abogado niya sa Korte.

Tinakasan niya ang warrant of arrest ng International Criminal Court. Bilang dating PNP chief, alam niya na may hurisdiksyon ang Interpol na tagapagpatupad ng ICC warrants. Alam din niya na sa ilalim ng R.A. 9851 ay kinikilala ng Pilipinas ang anomang international tribunals at alam din niya na lahat ay nasasaklaw ng batas.

Binigyan ng 12 kasapi ng Senate majority ng espesyal na custody si Bato. ‘Yon ay para hindi siya dakipin. Linabag nila ang Konstitusyon at batas sa pagkanlong ng pugante.

At ngayon binabaluktot nila ang mga alituntunin ng Kongreso. Kesyo raw maari bumoto online ang isang senador na absent sa plenaryo. Ito’y para manatiling 13 sila sa mayorya. Kasi kung may isang kasapi sila na maakit ng kabila, lagapak ang mayorya nila.

Huwag sana kanlungin si puganteng Bato ng extre­mistang paksyon ng Duterte Die Hard Supporters na nais pabagsakin ang gobyerno. Sumasakay sila sa popular na isyu ng P1.7-trilyong flood works scam. Pinalalabas nila na kagagawan lahat ito ng Bongbong Marcos admin. Itinatago nila na nagsimula ito sa ilalim ni Rody Duterte.

Destabilisasyon ang pakay ng mga extremistang DDS. Gagamit sila ng dahas. Mga karumal-dumal na krimen ang isasagawa para yanigin ang lipunan: masaker, kidnapping, panununog, pambobomba, bank robbery, narco-trafficking, terorismo, counterfeiting, panggagahasa, nakawan, pagpapakawala ng preso.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).                   

PLANADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with