^

PSN Opinyon

Charter o Character Change?

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

SA bibig na rin mismo ni Senador Tito Sotto nang­galing ang salitang dapat ay “CHARACTER CHANGE” ang kailangan ng bansa at hindi “CHARTER CHANGE”. Kasunod ito nang pinakita ni Sen. Imee Marcos na video presentation sa kanilang sesyon tungkol sa umano’y ongoing efforts para sa term extension at charter change na agad naman nilang sinabi na peke ang video.

Kung nais pala ni Sotto ang pagbabago ng ugali bakit ang grupo niya na SB-11 o Solid Bloc 11 ay nag-walkout sa Senado dahil hindi sila pabor sa panukala ng majority na magsagawa ng virtual voting gayung ito naman ay pagdedebatehan. Sa gitna ng mga isyu sa pulitika, ipinapaalala nito na ang tunay na pag-unlad ay nagmumula sa integridad ng mga namumuno at ng bawat ma­mamayan.

Sa halip na mag-aksaya ng panahon at pondo sa pag-amyenda ng batas, bakit hindi ituon ang pansin sa pagbabago ng sarili? Aminin man o hindi ay madalas nating sinisisi ang Konstitusyon sa kahirapan at korapsyon.

Subalit, tulad ng mga batas trapiko, kahit gaano kaganda ang batas, kung ang pasaway ay aabuso, wala ring mangyayari. Ang “character change” ay tumutukoy sa katapatan, malasakit sa kapwa, at pagtataguyod ng kabutihan ng nakararami bago ang pansariling interes. Huwag isara ang pinto sa pag-unlad ng batas, ngunit bigyang-diin na ang Charter Change ay maaaring isunod lamang kapag naayos na ang karakter ng mga Pilipino. Ang kailangan ngayon ng mga Pinoy ay character change tsaka na ang charter change kapag nag­bago na ang ating mga ugali.

CHARTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with