^

PSN Opinyon

Cayetano: Pokemonang ’yan!

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

May panibagong palabas na naman si Alan Peter Cayetano. Sa kanyang pinakabagong Facebook Live, inihalintulad niya ang nagaganap na kaguluhan sa Senado sa isang Pokémon card game. Habang lugmok sa iskandalo, intriga, bangayan, at kahihiyan ang Senado, heto ang Senate President, dinaan sa pambatang laro ang pagtatakip sa krisis na siya rin naman ang lumikha.

Pokémonang ’yan!

Sa halip na magpakita ng statesmanship at malinaw na liderato, mas pinili ni Cayetano na magpa-cute sa livestream. Wala naman natutuwa sa kanya. Parang hindi Senado ang kanyang pinamumunuan kundi isang tournament ng trading cards. Habang naghihintay ang publiko ng accountability, transparency, at direksyon, ang ibinibigay ni Cayetano ay Pokemon na gimik.

Bukod dito, iginiit pa ng “Kaldero ng Senado” na “pro-life” raw ang extrajudicial killings ni ICC prisoner Rodrigo Duterte. Pokémonang ’yan! Parang sinabi niyang fire prevention ang pagsusunog ng bahay. Sa sobrang pilit na depensa, pati kahulugan ng buhay at moralidad ay binabaluktot para pagtakpan ang kanilang kasalanan.

Sa bawat Facebook live niya, lalong lumilinaw ang tunay na problema: hindi lamang ito simpleng hidwaan sa pulitika. Krisis ito ng pamumuno. Sapagkat paano aasahang rerespetuhin ng mamamayan ang Senado kung mismong lider nito ay ginagawang laru-laro lamang ang institusyon.

Mistulang online seller si Cayetano na desperadong nilalako ang kanyang mga kasinungalingan na wala namang bumibili. Todo-demo, todo-explain, todo-pitch, pero bagsak ang tiwala ng publiko. Ang kaibahan lang, ang ordinaryong online seller ay nagsisikap para kumita nang marangal. Si Cayetano, tila ginagamit ang bawat livestream para ilako ang kanyang mga palusot at linisin ang sariling imahe habang patuloy na lumulubog ang institusyong kanyang pinamumunuan.

Nakakatawa sana kung biro lang ito. Ngunit ang totoo, delikado ang ganitong klase ng liderato. Kapag ang Senado ay itinuring na parang laruan, kapag ang politika ay ginawang entablado para sa personal na ambisyon at taguan ng mga mandarambong, mamamatay-tao at tiwali, tuluyan nang nililibing ang natitirang dignidad ng institusyon.

Cayetano, hindi Pokémon ang Senado. Buhay, kabuhayan, integridad at kinabukasan ng sambayanan ang nakasalalay dito. Kung patuloy mong itatrato ang pamamahala bilang larong pambata, dapat lamang na patalsikin ka bilang pinakamasamang Senate president sa kasaysayan ng ating bansa.

Pokémonang yan!

ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with