^

PSN Opinyon

‘Senate Pastor’

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

BINABATIKOS si Senate President Alan Peter Cayetano sa pagko-quote niya ng mga Bible verse, tulad noong ginawa niy a sa mga pagdinig at sa gitna ng mga isyu sa Senado.

Sa paggamit niya ng mga Bible verse ay sinisikap ni Cayetano na bigyang-diin ang kanyang pananampalataya at humingi ng gabay sa gitna ng mga hamon sa pulitika.

Marami ang humahanga kay Cayetano sa pagtindig ng kanyang pananampalataya kahit na siya ay nakakatanggap ng mga batikos sa mga kritiko.

Sa isang pagdinig noong 2024 na tumalakay sa usapin ng International Criminal Court (ICC) ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ginulat ni Cayetano ang publiko nang idek­lara niya na higit sa kanyang pagiging senador o dating opis­yal, siya ay isang “Ambassador of the Lord Jesus Christ”.

Sa tangkang pagpapatalsik sa kanya sa Senado, nagba­hagi si Cayetano ng mga Bible verse kasama si Sen. Joel Villanueva at ikinuwento niya na nakararamdam siya ng mga “forces ganging up” sa kanila.

Umani ng iba’t ibang reaksyon sa social media at may mga netizens na pumuri sa kanyang pananalig, habang ang iba ay bumatikos at nagsabing hindi dapat ginagamit ang Bibliya para sa pulitika.

Isa ang aktres at aktibistang si Agot Isidro na ginamit ang social media upang kutyain ang kanyang pagiging “Senate Pastor” na imahe tuwing nagko-quote siya ng mga talata.

Para kay Cayetano, ang pagiging rooted sa Salita ng Diyos, tulad ng kanyang mga binanggit sa Matthew 7 at Jeremiah 29:11, ang pinakamagandang pundasyon para sa transpormasyon ng bansa.

Kaya nasabi niya na “If the Holy Spirit is going to go around the Philippines, its going to change us. It’s going to start with the truth.”

Para sa kanya, ang pamumuno na nakasalig sa pananam­palataya ay mahalaga lalo na sa panahon ng krisis at maling­ impormasyon.

Sa kabuuan, ang pagko-quote ni Cayetano ng Bibliya ay sumasalamin sa kanyang brand ng pamumuno.

Hayaan na lang natin siguro kung ano ang motibo ng nagsasalita dahil wala namang maitatago sa Diyos dahil ang mahalaga ay naibabahagi ang Salita Niya na kayang magpabago sa buhay ng isang tao.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with