^

PSN Opinyon

Senado napuno ng ‘drama’

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng tensyon sa Senado, emosyonal na nag­lahad si Sen. Pia Cayetano ng kanyang hinagpis. Wala man lang daw nangumusta sa kanila matapos ang putukan sa Senado noong Mayo 13. Wala raw nagtanong ng simpleng “kumusta na kayo diyan”.

Agad na bumuwelta si Sen. Erwin Tulfo, iginiit na hindi totoo ang pahayag ni Pia. Ayon sa kanya, aktibo ang kanilang WhatsApp group, at siya mismo ay nagpadala ng mensaheng “Praying for all of you.” Sinagot pa raw ito ni Sen. Camille Villar ng “Thank you, we’re all okay.” May iba pang senador na nag­padala ng mensahe ng pag-aalala. Para kay Tulfo, posibleng hindi lang nabasa ni Pia ang mga mensahe dahil sa takot at kaguluhan ng insidente.

Samantala, si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay nagbigay ng kanyang pananaw sa X (Twitter). Aniya, “Quote of the day: ‘Wala man lang nangumusta sa amin!’” sabay dagdag ng biro: “Paano mo ba naman kukumustahin ang mga masasayang nagkakape, nag­kakainan, at naka-FB live pa habang binibinta­ngan ang minority bloc na may alam sa putukan?” Ang kanyang sagot ay tila sinasabing hindi maka­t­wiran ang hinaing ni Pia.

Kung titingnan nang patas, may dalawang mukha ang sitwasyon. Sa panig ni Pia, ang kanyang hinaing ay tunay na damdamin ng isang tao na naghahanap ng malasakit sa gitna ng takot at tensyon.

Sa panig nina Tulfo at Lacson, may paliwanag at biro na nagpapakita na may komunikasyon naman, ngunit maaaring hindi ito naramdaman ni Pia sa oras ng pangamba.

Ang bangayan ay naglalantad ng kahinaan ng Senado bilang institusyon na sa kabila ng kapang­yarihan, sila’y tao ring may damdamin, pagkukulang, at iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng malasakit. Kung ang mga lider ay patuloy na magbaba­ngayan, ang Senado ay mananatiling pugad ng ma­lamig na pulitika ay pagkakawatak-watak.

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with