Valenzuela LGU maaasahan 24/7
Masayang manirahan sa isang lungsod kung naseserbisyuhan ka at naibibigay ang tulong na para sa iyo. Isa ang Valenzuela City sa mga lungsod sa Metro Manila na tunay na hahangaan pagdating sa pagseserbisyo.
Mula kay Senator Sherwin Gatchalian, Social Welfare Secretary Rex na kapwa naging alkalde ng lungsod at ngayo’y Mayor Wes Gatchalian, consistent ang kanilang pamamahala sa lungsod.
Mula sa edukasyon, pabahay, kabuhayan ay nakaagapay ang Valenzuela LGU.
Bagama’t may iilan ang nagrereklamo sa ilang mga isyu, pilit namang ginagawan ng paraan at solusyon ni Mayor Gatchalian ang mga problema. Natural mente, dapat ipaalam kay Mayor Wes ang problema upang agad na matugunan.
Kaya nga may mga itinalaga si Mayor Wes na maaaring sumbungan, lapitan at tawagan sakaling kailangan ng responde. Mahigpit ang direktiba ni Mayor Wes sa mga barangay officials na huwag tutulug-tulog.
May inisyatibo rin ang LGU sa pamumutol ng mga punong nakadikit na sa kawad ng kuryente upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Personal kong nasaksihan ang maagap na pagresponde ng pulis, bumbero at maging mga ambulansiya sa mga aksidente.
Hindi na hinihintay pa ng Valenzuela LGU ang go signal ng national bago umayuda.
Epektib ang kanilang hotline na 8352-1000 o direct assistance na ALERT Center (CDRRMO), 8352-5000 o 8292-1405.
Masuwerte ang mga Valenzuelanon sa pamamahala ni Mayor Wes dahil ramdam nila na prayoridad sila ng LGU.
‘Yan ang liderato. Handang panindigan ang bawat desisyon. Kudos Valenzuela LGU, Kudos Mayor Wes!
- Latest















