Gen. Cardiño, nagpasiklab vs smuggled cigarettes!
HALOS limang araw pa lang sa puwesto si PRO Negros Island Region director Brig. Gen. Romano Cardiño subalit nagpasiklab kaagad s’ya. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang pagka-dismantle ng mga tauhan ni Cardiño ng Indonesia-based cigarette smuggling syndicate na nagresulta sa pagkaaresto ng 10 katao at pagkumpiska ng P40-M halaga ng ismagel na sigarilyo. O di ba maganda at malaking accomplishment na ‘yan, mga kosa?
Kung sabagay, hindi lang naman sa PRO NIR nagkukumahog ang kapulisan para puksain ang cigarette smuggling kundi maging sa ibang bahagi ng bansa dahil sa kautusan ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Mismooooo! Kasabay nitong huli sa Basay, Negros Oriental ay ang pagkasamsam ng 57 master cases ng smuggled cigarettes na nagkakahalagang P3.2 milyon sa Pagadian City, Zamboanga del Sur naman. Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito!
SInabi ni Cardiño na ang modus operandi nitong sindikato ay pinupuno nila ng sigarilyo ang isang malaking barko bago magbiyahe sa iba’t ibang parte ng Pinas. “Gumagarahe sila sa gitna ng dagat kung saan kinukuha ng alipores nila dito sa Pinas ang kargamento sa pamamagtitan ng Junkong o batil at idinadaong sa mga dalampasigan. Kinukuha ito ng mga trak at dinideliber sa kanilang mga parukyano,” ani Cardiño.
Hindi lang sa Negros Oriental binabagsak ang ismagel na kargamento kundi maging sa Palawan, Mindoro at Sulu, ayon sa nga tripulante na nakausap ni Cardiño.
Ang mga tripulante ay binabayaran ng tig-P10,000 kada biyahe. Ayon kay Cardiño, nakailang biyahe na ang tropa dito sa Negros Oriental at kaya sila nasakote dahil sa report ng komunidad. Araguyyyyy! Hehehe! Tuloy-tuloy lang ang pagpuksa ni Cardiño vs smuggled cigarettes at “paihi’ dahil sa utos ni Nartatez. Period!
Kinilala ni Col. Jay Dimaandal, intel chief ng PRO NIR ang mga inaresto na sina truck driver Cesar Hangka, 54; driver na si Al-Saloum Angkaya, 42; Paolo Dulo, 45; Arvin Imlani, 41; Ronie Ismael, 53, Don Hatiul, 45; Alag Damang, 45; Gadler Ahamad, 62; at Almujid Ahamad, 40. Nakumpiska ang isang motorized banca na naglalaman ng 700 cases ng kulay pula at puting Bosque brand na sigarilyo na walang tax seals at graphic health warning labels.
Ayon kay Dimaandal, isinasalya ng mga suspects ang isang master case sa halagang P57,300 kaya’t umaabot lahat-lahat ng kargamento sa P40,110,000. Araguyyyyy! Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang mga nakumpsikang sigarilyo ay nasa kustodiya ni Col. Dimaandal, ang Junkong ay na-turnover sa Maritime Group, at ang mga tripulante ay kinasuhan ng Basay PNP. Hayan! Hindi pugad ng smuggled cigarettes ang NIR. Abangan!
- Latest




















