^

PSN Opinyon

‘Konting ulan, lunod agad - Flood control o flood collection?’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI na kailangan ng bagyo para lumubog ang mga kalsada isang malakas na ulan lang, tiklop agad ang siyudad.

Tapos ang kapal ng mukha ng mga kinauukulan na magpakitang-gilas sa ribbon cutting ng kung anu-anong “flood control project” pero pagdating ng ulan, mga tao pa rin ang lulusong sa baha, stranded, lubog ang bahay, patay ang negosyo, at perwisyo ang buong komunidad.

Nasaan na ba ‘yung bilyon-bilyong pondo ng flood control? Ginawang dekorasyon ba? Kasi sa totoo lang, parang mas mabilis pa umapaw ang kanal kaysa umusad ang proyekto ng Department of Public Works and Highways at Metropolitan Manila Development Authority.

Kada taon may press release, may tarp, may groundbreaking, pero konting ulan lang, balik na naman sa eksenang parang estero ang mga kalsada.

Nakakapikon kasi malinaw na hindi “natural disaster” ang problema kapabayaan, palpak na plano, at paulit-ulit na band-aid solution. ‘Yung dredging, drainage upgrade, pumping station, floodway rehabilitation saan napunta?

Bakit parang mas lumalala pa ang baha kahit sinasabing may mga natapos nang proyekto? O baka naman hanggang dokumento at presentation lang maganda pero sa aktwal, bara pa rin ang daluyan at sabog ang urban planning?

Ang mas masakit, tila normal na lang sa gobyerno na maghintay munang may mabiktima bago kumilos. ‘Pag may kamera, todo inspeksyon. ‘Pag wala na sa balita, tahimik ulit. Para bang sanay na silang lunurin ang taumbayan sa pangako habang sila tuyo at komportable sa opisina.

Hindi galit ang kulang ng tao, accountability. Dahil kung tunay na gumagana ang flood control, hindi dapat naghihirap ang publiko sa ulan pa lang na wala namang pangalan na bagyo.

Kung hindi kayang ayusin, umamin. Kung may sablay, papanagutin. Dahil ang baha hindi lang tubig  simbolo na rin ito ng kapabayaan at pagiging manhid ng mga dapat kumikilos.

Disklaymer - Opinyon at hinaing ito ng mamamayang sawa na sa baha at perwisyo. Walang layuning manira kundi manawagan ng maayos, tapat, at epektibong aksyon mula sa mga kinauukulan.

METROPOLITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with