Wala nga rito si Bato sa Davao
Ngayong nawawala na naman si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa maraming espekulasyon kung saan siya posibleng nagtago dahil may mga haka-haka na aarestuhin siya sa bisa ng isang arrest warrant na ipinalabas diumano ng International Criminal Court (ICC) dahil nga raw sa kanyang papel sa Extra-Judicial-Killing cases na siya ring ikinaso kay dating pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nakakulong na sa ICC detention facility sa The Hague.
Ngunit pinabulaanan naman ng ICC na wala itong warrant of arrest na nilabas laban kay dela Rosa hindi gaya noong kay Duterte na siyang naging batayan ng kanyang pagkakulong sa The Hague.
Lumabas si Bato noong May 12 at nagpakita pagkatapos na nagtago siya simula noong Nobyembre 2025. Nabigla nga ang lahat dahil bilang nagpakita si Bato na nagkatoon din na pinalitan ang liderato ng Senado at hindi na nga si Senator Vicente Sotto ang Senate President at si Senator Alan Peter Cayetano na nga.
Nagkaputukan sa Senado noong isang gabi at bigla nawawala na naman si Bato. Nasaan nga ba si Bato?
Tiyak mahigpit ang pagkatago sa kanya at hindi na naman siya makikita ng mga tauhan ng CIDG at National Bureau of Investigation sa pagkakataong ito.
Akala ko nga mahirapan si Batong magtago di sa mga hideout at mga bahay niya dito sa Davao City. May bahay pa nga siyang overlooking the hill sa Barangay Bato, Santa Cruz, Dava del Sur.
Totoo maraming asosasyon si Bato, galing sa kanyang pagiging Musang sa Scout Ranger at bilang Philippine National Police chief bukod sa kanyang pagiging senador eh may mga kasama rin siya sa PMA Sinagtala Class of 1986 at tiyak isa man sa mga grupo na ‘yan ay tutulong sa pagtatago kay Bato.
Posible rin siyang umuwi ng Davao na sasakay ng private jet at makakarating na rin dito ang senador.
Hahay, nasaan ka na nga Bato?
- Latest















