^

PSN Opinyon

NBI volunteer may dalang baril, anyare?

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa rin makapaniwala ang taumbayan sa mga eksenang­ naganap sa loob ng mismo ng santuwaryo ng demo­krasya —ang Senado ng Pilipinas—noong gabi ng Mayo 13, 2026 dahil sa umalingawngaw ang putok ng baril na ang suspek ay isang taong nagpakilala pang driver ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ang lumabas sa ulat ng pulisya at maging si NBI Director Melvin Matibag ay kinumpirma na isang “volunteer driver” at hindi regular na empleyado ang suspek na si Mel Oragon, 44, na inaresto matapos magpaputok sa loob ng Senate building sa Pasay City.

Pero ang tanong ng marami rito ay paano nagkaroon ng access sa baril ang “volunteer” na si Oragon at nakapasok sa mataas na seguridad kung mahigpit ang screening.

Ang pagiging “volunteer” ay hindi lisensya upang maging­ pasaway o magdala ng armas na walang kaukulang otori­sasyon.

Ang pagdadala ng baril ay pribilehiyo at hindi karapatan na kinakailangan ng lisensya at Permit to Carry Firearm Outside of Residence (PTCFOR).

Ang pagpaputok nito sa gitna ng tension sa gitna pa ng mga ulat ng kaganapan sa Senado ay nagpapakita ng kawalan ng disiplina at propesyunalismo.

Ang ganitong pangyayari ay nagbubukas ng malalim na sugat sa tiwala ng mamamayan. Kung ang isang institusyon na kilala sa pagpapatupad ng batas ay nadidikit sa ganitong uri ng kaguluhan, ano pa ang aasahan ng ordinaryong Pilipino?

Ito ay dapat magsilbing aral sa NBI at sa iba pang law enforcement agencies na ang paglilinis sa hanay ay hindi lamang tungkol sa pag-aresto sa mga kriminal sa labas kundi pati na rin sa pagdisiplina sa mga taong nasa loob.

Hindi sapat ang depensa ni Matibag na “hindi siya regular na empleyado,” dahil kung ang isang tao ay nagtatrabaho sa ilalim ng inyong pangalan, hawak mo ang responsibilidad sa kanyang mga gagawing aksyon.

Ang batas ay para sa lahat na kung ang isang “volunteer” ng NBI ay kayang magpasabog ng takot sa Senado ay mas lalo na ang mga ordinaryong mamamayan sa lansangan.

Hindi dapat palampasin ang ganitong klaseng kayaba­ngan at dapat imbestigahan si Matibag sa pangyayari bakit niya pina­yagan na pahawakan ng baril ang isang “volunteer”na kasama ng kanyang mga ahente.

Naghain ng resolusyon si Sen. Imee Marcos para imbes­ti­gahan ang security breach at nanawagan na dapat siba­kin na si Matibag para matibag na ito sa kanyang puwesto. Abangan.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with