^

PSN Opinyon

‘Protective custody’ ng Senado ginamit para mapatakas si Bato?

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Matinding pagkadismaya at galit ang nararamdaman ng publiko sa nangyaring mga eksena, drama, at aksyon sa Senado na nagsilbing “santuwaryo” ng tinaguriang “fugitive” ng International Criminal Court na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kinakaharap na kasong crimes against humanity.

Ito’y kasunod ng “kudeta” sa liderato ni Sen. Tito Sotto makaraang sorpresa siyang patalsikin bilang Senate President ng grupo ng opposition senators at iniluklok si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong SP. Naisakatuparan ito nang biglang lumutang si Bato na ilang buwan ding nagtago dahil sa takot sa warrant of arrest ng ICC, sakay sa kotse mismo ni Sen. Cayetano kung kaya nakakuha sila ng mas mataas na numero (13 senators) para mapalitan si Sotto sa posisyon.

Dahil sa paglutang ni Bato bukod pa sa pagbaliktad ni Sen. Loren Legarda, malaki ang naiambag nito para makaupo bilang SP si Cayetano kaya naman nang pumalibot ang mga pulis at NBI agents sa Senado para siya ay arestuhin, dito na ginamit ni Cayetano ang kanyang “power” bilang SP at nagdeklara ng lockdown at binigyan ng proteksyon si Bato.

Dahil sa pinairal ng Senado ang “protective custody”, kumambyo ang PNP at NBI sa pagdakip kay Bato sa kabila ng hindi paglalabas ng Supreme Court ng “temporary restraining order” sa hirit ng senador para pigilan ang mga awtoridad na siya ay dakpin.

Kapuna-puna ang mga opposition senators sa pagbibigay ng proteksyon kay Bato, sa kabila ng sigaw ng mamamayan na “no one is above the law”.

Hindi pa riyan natatapos ang senaryo, nang biglang mag­karoon ng putukan sa loob ng Senado.

Lumalabas sa imbestigasyon na mismong ang acting chief ng Senate Sgt. at Arms na si ret. Police Major Gen. Mao Aplasca ang nagpasimuno ng kaguluhan sa Senado nang siya ang unang nagpaputok ng baril bilang umano’y “warning shot” sa alegasyong sila ay “under attack” ng NBI agents. Dito umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril dahil upang gumanti umano ng putok ang NBI agents.

Sa pagkakataong ito, palihim na isinagawa ang “great escape” ni Bato sa tulong ng kapwa senador na si Robin Padilla nang magkasabay na tumakas mula sa premises ng Senado habang kasagsagan naman ng kaguluhan at takbuhan ng mediamen na nagko-kober sa Senado.

Kaya sigaw ni dating Senador at ngayo’y Kongresista na si Leila de Lima, malinaw na ginamit ang “protective custody” ni Cayetano para mapatakas si Bato.

Giit pa ng ilang opisyal, ang “protective custody” ay bahagi ng pagmamaniobra sa pulitika para makatakas si Bato.

ALLAN

CAYETANO

SP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with