^

PSN Opinyon

Safer Cities Program, gabay ng PRO12 vs kriminalidad!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nagsisilbing matibay na gabay ang Safe Cities Program ng PNP sa mga tauhan ni PRO12 director Brig. Gen. Arnold Ardiente upang paigtingin ang anti-crime operations nila upang mapanatili ang disiplina, kaayusan at seguridad ng hurisdiksiyon nila. Sinabi ni Ardiente na dahil sa pinapairal nilang tuluy-tuloy na police visibility, mahigpit na pagpatupad ng batas, at malapit na koordinasyon sa mga local govern­ment units, unti-unting nararamdaman ng publiko ang posi­tibong epekto ng kanilang serbisyo publiko.

Sa kabila ng mga naitalang accomplishments, tiniyak ng PRO12 na raragasa pa rin ang kanilang intensified police operations at visibility efforts upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa buong rehiyon. Malinaw naman mga kosa na ang mas pinaigting na presensya ng pulisya sa komu­nidad ay hindi lamang simpleng pagpapatupad ng batas, kundi isang konkretong hakbang upang masigurong ligtas, maayos, at payapa ang bawat mamamayan sa SOCCSK­SARGEN Region. Mismooooo!

Sa giya ng Safer Cities, nagresulta ang anti-crime ope­rations ng PRO 12 sa umaabot na 17,361 violators ang nasita mula Abril 1 hanggang 30.Kabilang sa mga madalas na paglabag ay pag-inom at paninigarilyo sa pampubli­kong lugar, paglalakad sa lansangan nang walang suot na pang-itaas, curfew violations ng mga menor-de-edad, at iba’t ibang paglabag sa city ordinances at traffic regulations. Sa nasa­bing bilang, 7,034 ang pinagmulta habang 10,327 naman ang binigyan ng babala at reprimand, ani Ardiente. Get’s n’yo mga kosa? Purbidang yawaahhhhh!

Hindi lamang sa pagpapatupad ng mga ordinansa naging­ aktibo ang PRO12. Nagpatuloy rin ang kanilang agresibong kampanya laban sa smuggling ng sigarilyo matapos magsagawa ng 186 operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 164 indibidwal at pagkakasamsam ng 10,474 reams ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng mahigit P9 milyon.

Sa kampanya naman kontra loose firearms, nakapagsagawa ang PRO12 ng 74 operations na nagresulta sa accounting ng 376 firearms, explosives, at mga bala habang 41 katao naman ang naaresto dahil sa paglabag sa firearms laws. Dipugaaaaa!

Samantala, sa pinaigting na anti-illegal drug operations sa buong rehiyon, 139 drug personalities ang naaresto at mahigit P4.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad. Binigyang-diin ni Ardiente na ang mga accomplishments na ito ay alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., na higit pang paigtingin ang proactive policing, public safety enforcement, at community-centered law enforcement initiatives. San ka pa? Abangan!

PNP

SAFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with