^

PSN Opinyon

P12.5-M para sa 2 ospital sa Sulu

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Hindi maikaila ang matinding pangangailangan ng mga tao sa naayong gamot lalo na sa mga panahong ito na marami ang nagkakasakit kahit na nasa mga nayon na sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM).

Nitong bago lang naglaan ang Ministry of Health ng P10 million para sa Sulu provincial hospital sa ilalim ng Tulong Medical Assistance program ng pamahalaan at may sepa­rate na P1.5 million sa ilalim ng Kalusugan program ng MOH.

Pansamantala namang nakatanggap ng P1 million na medical aid ang Panamao district hospital. Nagkaroon naman­ ng separate signing ang mga hospital representatives para sa Bangasamoro Health Outreach for Everyone (B-Hope) sa ilalim ng nasabing programa na magkakaroon ang Panamao district hospital at Tapul municipal hospital ng tig-P500,000 ang bawat ospital upang mas maraming maabot na mga citizens sa Sulu.

Ganun kahalaga ang kalusugan mapasaan man kung sa ilalim ng BARMM man o sa mga siyudad na mas progre­sibo, lahat nangangailangan ng gamot at maayos na pagkalinga lalo na sa mga may sakit.

Ibig sabihin nangangailangan din ang Mindanao ng agarang atensyon ng pamahalaan.

BARMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with