^

PSN Opinyon

Ang manggagawa ng Mindanao

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay araw ng manggagawa at mabuhay ang ating­ mga magigiting na manggagawa na nasa iba’t ibang larangan ng paggawa, kasali na ang mga magsasaka na nandito sa Mindanao, ‘yong mga nasa service industry, nasa hospitality service at maging sa medical at educational industries.

Ngunit higit sa lahat ay ang ating pagpupugay sa ating mga magsasaka na silang nagsusumikap na magkaroon tayo ng ating makakain sa araw-araw, sila na nagpakahirap­ magtanim at umani ng ating makakain mula sa bigas at ano mang makakanin natin gaya ng mga gulay at prutas. Ika nga nila, ang Mindanao ang siyang food basket ng Pili­pinas. Paano na lang ang bansa kung wala ang mga magsasaka ng Mindanao. Alalahanin niyo na Mindanao pa rin ang largest producer ng isda gaya ng tuna na dinadala pa sa ibang bansa.

Nandito na kasi sa Mindanao ang higit 50% sa panga­ngailangan ng pagkain ng Pilipinas. Andiyan na ‘yong mga nasa agrikultura tulad ng mga nasa rice production, at ang production ng mga pananim na pinapadala sa ibang bansa gaya ng saging, pinya at iba pang produkto. Malakas din ang hatak ng turismo sa Mindanao dahil nga sa iba’t-ibang IP groups at ang mga tourism sites sa lugar nila na talagang nakaka-engganyo.

Ang daming mai-offer ng manggagawa ng Mindanao. Kung puwede nga lang ay huwag naman ninyong ibudol o lokohin kayong mga nasa puwesto.

Bigyang daan nyo sana ang kapakanan ng manggaga­wang Pinoy kasali na ang mga bagong bayani na mga Over­seas Filipino Workers natin. Mabuhay ang Manggagawa!

MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with