^

PSN Opinyon

Mga pangyayaring malaki sa isip natin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Mga pangyayaring malaki sa isip natin

Malungkot ang kuwentuhan ng mga kabarkada ko. Sunud-sunod daw kasi namamatay ang mga hinahangaan nila.

Halimbawa, pumanaw nitong nakaraang limang taon ang mga haligi ng pelikula at musika na sina Gloria Romero, Nora Aunor, Jaclyn Jose, Susan Roces, Rosa Rosal, Ricky Davao, Matutina, Ronaldo Valdez, producer Lily Monteverde, director Carlo J. Caparas, movie scribe Lolit Solis, designer Fanny Serano, stage actor Cocoy Laurel, singer-composers Freddie Aguilar, Hajji Alejandro, Pilita Corrales, Danny Javier, Claire dela Fuente, April Boy Regino, at newscaster Mike Enriquez.

Namatay rin ang mga international celebrities Diane Keaton, Robert Redford, Robert Duval, Ozzy Osbourne, Brian Wilson, Val Kilmer, Gene Hackman, David Lynch, Claudia Cardinale, Michael Madsen, Betty White, Tina Turner, Matthew Perry, Sidney Poitier, Olivia Newton-John at Kobe Bryant.

Isama pa ang world leaders na sina Queen Elizabeth II, Prince Philip, Jiang Zemin, Pope Francis, Colin Powell, Pervez Musharraf, Brian Mulroney, Salim Hoss, Shinzo Abe, at Fidel V. Ramos.

Hindi napansin ng mga kabarkada ko na ang binanggit nilang mga pangalan ay kapanahunan namin. Kaya top of mind sila sa amin.

Marami rin namang ibang Filipino at international celebrities at world leaders na bata na namatay rin nitong nakaraang limang taon. Pero wala silang epekto sa henerasyon namin. Hindi napansin ng mga kabarkada ko ang pagpanaw nila. Ang epekto nila ay sa mga mas batang henerasyon.

Mas sikat ang celebrity, mas malalim ang tama sa puso ng pagpanaw. Halimbawa, pinaslang si Ninoy Aquino nu’ng Agosto 21, 1983. Kapag ginugunita ang malagim na pangyayari, nagtatanungan pa kung ano ang ginagawa nila nu’ng nangyari ‘yon. Walang silbing impormasyon: namimili ako ng groceries nu’ng mangyari ‘yon.

GLORIA ROMERO

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with