^

PSN Opinyon

MCIU ng CIDG, wala sa wisyo!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Flash Report: Marami palang “paihi” operations sa CAMANAVA area at mukhang natutulog sa pansitan si Northern Police District director Brig. Gen. Christopher dela Cruz. Dahil na-raid na ng HPG ang puwesto nina Jojo Cobra sa Navotas at ang kay Charlie sa Caloocan City, halos walo pa ang hahabulin ni Dela Cruz. Ang mga nag-o-operate pang ‘paihi” ay sina Palawan, Jacob, Ronnie, Manny, Botor, Jenny, Bart/Arnel, at Boy Bote. Mahigpit ang tagubilin ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na tul­­dukan na itong “paihi” operation dahil sa Middle East crisis subalit muk­hang hindi s’ya narinig ni Dela Cruz?

* * * * *

Nakakatuwa at nakakainis itong Major Crimes Investigation Unit ni CIDG director Maj. Gen. Robert Alexander Morico ll. Bakit? Pinaimbestigahan kasi sa MCIU sa pamu­muno ni Lt. Col. Jerome Jay Ragongon ang ibinulgar ko na e-sabong sa Tondo, Manila. Nasa saklaw naman ang kilos ni Ragongon sa mandato ng CIDG. Mismooooo! Ang naka­katuwa lang dito, itong expose’ ko vs e-sabong ay kumilos ang PNP. Napapansin pala ang mga ibinubulgar ng DIPUGA. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa kanilang paunang imbestigasyon, natukoy naman ng MCIU ang tunay na pagkakilanlan ng nagpapatakbo ng e-sabong, maging ang address nito sa Tondo. Mukhang hindi pa kumpleto ang imbestigasyon ng MCIU sa e-sabong. Ang nakakainis lang mga kosa, sumulat itong si Ragongon sa Human Resource Department ng Philippine Star nitong Abril 8. Inilahad naman nila ang kanilang probe sa e-sabong at kung bakit nakipag-coordinate sila sa Star. “In this regard, may we request a certification whether or not Mr. Non Alqui­tran is an employee of your company,” ayon sa sulat ni Rago­ngon. Ano ba ‘yan? Tingin ni Ragongon “hao shiao” ako? Araguyyyyy! Mukhang nasa Cloud 9 pa itong si Ragongon ah. Wala sa wisyo eh! Sanamagan!

Para sa kaalaman ni Ragongon, si Dipuga ay nagretiro bilang police reporter ng Philippine Star bago tumama ang pandemya. Subalit sa ngayon, nagsusulat ako ng kolum sa PSN/PM para sa Star Group of Publications. Maliwanag na ba Boss Ragongon Sir? Kung may katanungan si Dipuga, ayon kay Ragongon, maari akong komontak kina Lt. Mary Ann Meca, case officer o dili kaya’y kay PEMS Ariosto Rana, Senior Investigator on case. Ewan ko lang kung sumagot na ang HR ng Star sa sulat ni Ragongon. T’yak malaki ang maitutulong ng certification ng Star para mapuksa ng MCIU ang e-sabong sa Tondo. Purbidang yawaahhhhh! Tsk tsk tsk! Anong sey n’yo mga kosa?

Dapat sigurong mag-aral ng media relations itong sina Ragongon, Meca at Rana. Attention PNP spokesman Brig. Gen. Randulf Tuaño. Abangan!

CAMANAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with