^

PSN Opinyon

Crime of Passion dumarami

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

May kasabihan na “nakamamatay ang selos” na tila madalas pag-ugatan ng mga crime of passion.

Ang selos ay maihahalintulad sa isang asin na nagbibigay ng lasa at sipa sa isang relasyon tulad sa mag-asawa na kung naparami ay nagiging mapait at unti-unting nakakalason sa pagsasama na minsan ay nauuwi sa pagpatay.

Halimbawa rito ang isang 44-anyos na mister sa Brgy. Tugtug, San Jose, Batangas na walang awang ginulpi at inatado ng saksak at napatay ang kanyang 42-anyos misis dahil sa selos nang matuklasan nito na siya umano ay pinagtataksilan.

Isa rin dito ang 36-an­yos na mister na nagtatrabaho bilang security guard na walang awang pinatay ang kanyang 34-anyos misis sa loob ng kanilang bahay sa Samal, Bataan at pagkatapos ay isinilid sa garbage bag at itinago sa ilalim ng kanilang kama.

Natuklasan ang krimen nang dalawin ng kapatid ang biktima na tatlong araw nang hindi nakikita.

Selos ang nakikitang motibo ng pulisya dahil sa ayaw na umanong makipagbalikan ng misis na mayroon ng iba.

Ganito rin nangyari sa Anilao, Iloilo nang patayin ng mister sa saksak ang 31-anyos na misis na pinaghihinalaang may textmate nang ayaw ibi­gay ng biktima ang kanyang cellphone sa mister.

Nag-agawan ang mag-asawa sa cellphone at doon na bumunot ng kutsilyo ang mister at sinaksak ang misis na naging sanhi ng kamatayan nito.

Isang babae rin na sekyu ang pinatay sa saksak ng 29-anyos na mister sa Caloocan sa hinala na kalaguyo nito ang kasamahan sa trabaho dahil sa madaling araw umuuwi at tadtad ng chikinini ang leeg.

Hindi lang sa mag-asawa nangyayari ang crime of passion kundi maging sa kaparehong kasarian tulad na nangyari sa isang condomi­nium sa Tondo, Maynila.

Dito ay minartilyo ang isang 38-anyos na bading ng 27-anyos na lover dahil nagseselos umano ang una na may iba na ang huli.

Ilan lang ito sa mga insidente ng selos na kapag mali ang magiging desisyon ay mauuwi sa pagkawasak ng buhay ng pamilya at lipunan.

CRIME

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with