^

PSN Opinyon

Sa pusod ng Maynila...SkyFarm hydrogreens

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang napakagandang rooftop farm sa nasa pusod ng Maynila.

Ang aking tinutukoy ay ang SkyFarm Hydrogreens na makikita sa rooptop ng ika-apat na palapag na residential house and building na pag-aari nina Pamela at Jenny Uy na ginawa ni Fernando Algozo ng Alfrea’s Hydroponics and Garden.

Ang SkyFarm Hydrogreens ay makikita sa 2014 F. Aguincilio St., Malate Maynila.

Ang SkyFarm Hydrogreens ay may lawak lamang na 120sqm pero may tanim na 3,000 na Olmetie Variety ng Lettuce.

Ayon kay Jenny Uy, ang SkyFarm Hydrogreens ay isang Hydroponic Farm sa City of Manila na nagpo-provide ng organic at sustainable vegetables para sa lahat.

“Go fresh, live better, pesticide free, insecticide free, hydroponically grown, no soil con-
tamination, clean water cultivation, grown in control environment, harvested fresh,” ani Jenny.

Ayon pa kay Jenny, first time pa lamang silang nagtanim pero perfect na ang kanilang mga produce dahil sa masinop na supervision sa kanila ni Fernando Algozo ng Alfrea’s garden.

“Farm to table experience in the City,” ani Jenny.

Sinabi naman ni Fernando Algozo na ang mga produce na lettuce sa Skyfarm ay heavenly taste from the sky to your home.

“Masinop, mabusisi at kumpleto ang pagkakagawa ng SkyFarm na hindi mo makikita sa ibang farm dahil imported ang karamihan sa materials na ginamit,” ani Fernando.

Nagpapasalamat si Jenny kay Rosemarie Mollare dahil sa Tender, Love and Care (TLC) nito sa kanilang mga tanim.

Sa mga gustong bumili ng masarap at masustansiyan produce na lettuce sa SkyFarm ay magpadala lang po kayo ng mensahe sa kanilang FB page na SkyFarm Hydrogeens or mag-text sa 0917-578-45-09.

Si Manila Mayor Isko Moreno ay pumunta pa sa Singapore noong nakalipas na buwan para kumuka ng idea o matuto ng hydroponics farming ay mayroon na palang ‘straight from heart’ na rooftop greenhouse sa kanyang nasasakupan.

Kung nais bisitahin ni Mayor Isko ang nasabing farm ay welcome ito kina Pamela at Jenny.

Nais nina Pamela at Jenny na ma-duplicate sa maraming gusali at rooftop sa Maynila ang kanilang napakagandang garden.

Ngayong Linggo, April 26, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview kay Fernado Algozo at Jenny Uy at Farm tour  sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng hala-man sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag ah, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

FARM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with