^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Buwis buhay para makakuha ng ayuda

Pilipino Star Ngayon

ISANG 44-anyos na motorcycle rider ang namatay habang nakapila para makakuha ng P5,000 ayuda sa Quezon City Circle noong Sabado. Hinihinalang inatake sa puso ang rider. Isinugod sa ospital ang rider subalit hindi na ito nailigtas. Nabatid na madaling araw pa lamang ay marami nang nakapilang rider para sa ayuda. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang namahala sa pamamahagi ng ayuda.

Nagtiis ang mga rider sa nagbabagang init ng araw para makuha ang ayuda. Sabi ng mga nakapila, malaking tulong sa kanila ang P5,000 para sa pang-araw-araw nilang gastusin kaya nagtiyaga na sila. Mula nang tumaas ang presyo ng gasoline at diesel dahil sa giyera sa Middle East, karampot na lamang ang kanilang kinikita. Kulang na kulang umano para sa pangangailangan ng pamilya.

Para matagalan ang init, malapad na karton ang pananggalang ng mga riders. May nagpa­yong at nagbalot ng tuwalya sa mukha para maprotektahan ang katawan sa init. Kaya raw naman nilang tiisin ang init para makuha ang ayuda.

Ipinag-utos naman ni DSWD Sec. Rex Gatchalian kay DSWD Asec. Irene Dumlao na makipag-ugnayan sa pamilya ng namatay na rider. Kinontak agad ng DSWD ang pamilya ng biktima at tiniyak ang tulong para sa maayos na pagpapalibing pati na ang iba pang tulong dito kabilang ang pagpapaaral sa mga anak ng namatay na rider.

Nagsimulang mamahagi ng P5,000 na ayuda para sa traysikel drayber noong Marso 17. Mas inuna ang mga traysikel drayber sa Metro Manila dahil nakahanda na raw ang master’s list ng mga ito. Wala raw problema sa pamamahagi sa mga traysikel drayber. Inihanda na raw ng local government units (LGUs) ang listahan ng mga drayber.

Pero marami ang nadismaya sapagkat marami sa traysikel drayber ang wala sa master’s list. Ang pinaghihimutok pa ng mga traysikel drayber, madaling araw pa lamang ay pumila na sila. Nang hanapin sa listahan ang kanilang pangalan, wala roon. Maraming umuwing luhaan dahil inaasahan na makatatanggap ng P5,000 ayuda. Hindi sila nakabili ng bigas at sardinas na inaasahang iuuwi sa pamilya.

Noon pa mang 2023 na unang namahagi ng ayuda para sa mga PUV drivers ay magulo na ang pamamahagi ng ayuda. Hindi na naging maayos. Sa halip na gumaan ang pamamahagi, bumigat pa at ang masaklap, mayroon pang namatay. Kung hindi isasaayos ang pamamahagi ng ayuda, maaring maulit ang nangyari—may magbubuwis ng buhay para makakuha ng karampot na ayuda.

Bakit hindi gawing digital ang distribution ng ayuda. Idaan sa e-wallet. Isyuhan ng ATM card ang mga drayber para sila na ang magwi-withdraw. Hindi na pipila sa nagbabagang init ng araw ang mga kawawang PUV drivers. Gawin ito ng DSWD.

MOTORCYCLE

RIDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with