Sana tubig naman
DAVAO CITY — Pagkatapos ng kasalukuyang simula ng trabaho ng pagpasok ng Davao Light and Power Company sa Island Garden City of Samal, umaasa naman ang mga may tinatayang 120,000 populasyon ng isla na sana kasunod nito ay ang pagbutihin ng local government ang supply ng tubig nito sa IGACOS.
Noong February nag-takeover ang Davao Light and Power Company sa distribution ng power supply sa Samal Island.
Ang improved reliability nito ay isang interconnection project na nag-involve sa submarine cable through the Pakiputan Strait na nagnanais maging maayos ang power supply sa isla lalo na ngayong may Davao City-Samal Island Connector Bridge.
Kaya ang hinahangad naman ngayon ay ang pag-unlad ng water system ng isla. Ito ay dahil nga ang kasalukuyang water system ay hindi naman potable at maayos ang tubig nito. Isa pa, tuwing maglalaba ay naninilaw ang mga damit ‘pag ginagamit ang tubig nito.
Sayang nga lang at may tinatayang higit isang libong beach resorts and nasa Samal island ngayon at halos lahat sila ay namomroblema nga sa supply ng tubig.
Sana mabigyang pansin na ito ng lokal na pamahalaan at maiayos na ang IGACOS na siyang binibida ng mga tao nito.
- Latest















