^

PSN Opinyon

VP Sara vs Madriaga

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Mainit ang sagutan sa gitna ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang panig, ipinagmalaki ni VP Sara ang kanyang Bar Exam record at binanatan ang mga mambabatas na gumagamit ng “mini trial”. Sa kabila, si Ramil Madriaga, dating “bagman” na nag­bunyag ng P125-M confidential funds at umano’y plano ng kudeta laban kay Pangulong Marcos Jr.

Naglatag si Duterte ng kanyang sariling rekord: Nagtapos noong 2005, pumasa sa Bar sa unang pagtatangka, at ipinagmalaki ang kanyang marka. Para sa kanya, patunay ito ng kakayahan at disiplina. Tinawag naman niyang “bar flunker at kidnapping suspect” si Madriaga.

Samantala, hindi rin nagpalampas si Atty. Raymund Palad, abogado ni Madriaga. Para sa kanya, hindi sukatan ng integridad ang Bar Exams. Ang pagtawag sa mga bumagsak bilang “bar flunkers” ay insulto hindi lamang sa mga examinee kundi sa kanilang mga pamilya. Sabi ni Palad, ang tunay na hamon sa Bise Presidente ay ang harapin ang publiko nang direkta.

Dito makikita ang dalawang mukha ng proseso: ang depensa ng isang mataas na opisyal na nakatuon sa kre­dibilidad, at ang akusasyon ng isang dating kaalyado na na­katuon sa pananagutan. Pero ang tanong: alin ang mas ma­bigat sa mata ng taumbayan—ang personal na rekord o ang mga alegasyong may implikasyon sa pambansang seguridad at paggamit ng pondo?

Malinaw ang hamon: ang pananagutan ay hindi nata­tapos sa pahayag, kundi sa tapang na humarap sa taum­bayan at sagutin ang mga tanong ng walang takot.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with