^

PSN Opinyon

Natuloy ang bloodbath!

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Kahapon, natuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice ukol sa mga impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Pilit itong pinigil ng kampo ni Sara sa pamamagitan ng paghahain ng tatlong petisyon sa Korte Suprema at isa pa sa isang korte sa Quezon City. Lahat ay humihiling ng temporary restraining order.

Ngunit nabigo sila. Natuloy ang pagdinig. Tuloy ang “bloodbath.”

Sa gitna ng hearing, tumining ang mga pahayag ni Ramil Madriaga, ang sinasabing “bagman” ni Sara.

Una, iginiit ni Madriaga na siya umano ay nagsilbing “financial dummy” ni Sara at ng kanyang mga alipores. Ayon sa kanya, inuutusan siyang maglipat ng malalaking halaga ng pera na konektado umano sa confidential funds, ang parehong pondong ngayon ay sentro ng kontrobersya dahil sa daan-daang milyong pisong pinagdududahang nagastos nang walang malinaw na paliwanag.

Pangalawa, taliwas sa pahayag ng kampo ni Sara na umabot ng 11 araw ang paggastos ng P125 milyong con­fidential funds, sinabi ni Madriaga na, bilang “bagman,” naipamahagi raw niya ang halagang ito sa loob lamang ng 24 oras.

Pangatlo, nakipag-ugnayan daw siya sa mga security officer ni Sara para sa pagdadala ng mga bag na may kabuuang halagang P30-35 milyon. Isang bag ang dinala diumano sa Cabuyao, Laguna para umano sa isang politiko. Ang isa naman ay dinala sa Nommu Restaurant para sa isang personalidad, batay sa utos ni “Reynold Munsayac.” Samantala, dalawa pang bag ang diumano’y iniwan sa parking lot ng Office of the Ombudsman noong panahon ni Samuel Martires.

Pang-apat, binanggit din ni Madriaga na tumanggap umano siya ng pondo mula sa isang boss ng Pharmally upang patakbuhin ang kampanya ni Sara noong halalan ng 2022.

Panglima, sinabi rin niyang humingi umano ng kanyang tulong si Mans Carpio, asawa ni Sara, kaugnay sa mga nasabat na shabu-filled magnetic lifters.

Mabibigat ang mga akusasyong ito. Mapapatunayan lamang ang buong katotohanan sa mga akusasyong ito sa pagpapatuloy ng mga pagdinig ng House Committee on Justice at ang masusing pagsusuri ng mga bagay na may kinalaman dito, gaya ng SALNs, tax records, at bank accounts ni Sara at ng kanyang pamilya.

Kaya, sa ngalan ng katotohanan, katarungan, at pananagutan, dapat magpatuloy ang impeachment hearings at ilahad ang buong ebidensya.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with