Boss Cholo, sangkot sa paihi operations!
FLASH Report: May nawawalang ebidensiyang baril sa Forensic Unit ng Manila Police District. Sinabi ng mga kosa ko na hindi lang ngayon nangyari ito dahil last year mayroon ding missing evidence subalit naayos lang. Sa ngayon naman, dina-damage control ng hepe ng FU-MPD ang isyu sa pangambang madisgrasya ang one-star promotion ni Forensic Group chief Col. Pierre Paul Castro. Tsk tsk tsk! Ayaw ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez ng ganyan. Inventory lang ang kasagutan.
Itanghal na ‘yan!
* * * * *
MALAKI sana ang kikitain ng mga financiers ng “paihi” operations saang panig man ng Pinas dahil sa halos doble ang itinaas ng presyo ng diesel at gasoline dahil sa giyera sa Middle East. “Ika nga, paldo sila dahil sa kakulangan ng supply nito. Kaya lang maagap naman si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. dahil iniutos n’ya kaagad na tuldukan ang operations ng “paihi” at ang nakapuwesto sa Laguna at Navotas ang unang tinamaan. Dapat siguro, sibakin ni Nartatez ang hepe ng Laguna at Navotas para hindi sila pamamarisan. Open-secret naman ‘yan mga kosa na hindi makapag-operate ang “paihi” kung walang basbas ng hepe ng pulisya. Mismooooo!
Anim katao ang naaresto sa raid sa Navotas at Laguna at iniutos ni Nartatez ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod nito. “While we treat every case with specific focus, we are not setting aside the possibility that this is part of a larger syndicate,” pahayag ni Nartatez. “So far, there are initial findings that the incident is localized but our intelligence monitoring continues to determine if there is a wider network behind these operations,” ani Nartatez. Tsk tsk tsk! Dapat na sigurong kabahan nito si Boss Cholo, no mga kosa?. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nakumpiska sa raid sa Laguna ang 500 liters ng fuel, storage tanks, electric pumps, hoses at containers. Sa Navotas fish port naman, aabot sa 65,000 litro ng diesel fuel na tinatayang nagkakahalagang P9.75 milyon ang nasabat. “We are currently cross-matching the profiles of the suspects arrested in Laguna with our database of previous ‘paihi’ operators in Navotas and nearby provinces,” ani Nartatez. “Sinisilip natin kung iisa lang ang pinagkukunan ng recycled oil at kung saan ito ibinibenta. Kung may organized oil pilferage groups, we will pursue them aggressively,” ang pagbabanta ni Nartatez. Ang sakit sa bangs nito!
Dahil ang Pinas ay pinaligiran ng tubig, halos lahat ng parte ng bansa na may ports ay t’yak na may “paihi” operations, lalo na sa probinsya ng Batangas, Cavite, at Quezon. Panahon na para sibakin ni Nartatez ang lahat ng nakapatong na pulis sa “paihi” dahil economic sabotage ito at nakakasira sa imahe ng PNP.
Imbes na kumita, sa kulungan ang bagsak nitong si Boss Cholo at iba pang financiers ng “paihi” operations sa termino ni Nartatez. Abangan!
- Latest















