^

PSN Opinyon

Walang pera pang-krisis dinambong na lahat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Walang pera pang-krisis dinambong na lahat

Dinambong na ng mga politiko ang kaban ng bayan. Kapos na kapos ang perang gobyerno panglunas sa krisis na dulot ng Middle East war.

Batay sa karanasan sa mga naunang krisis, alam na ng gobyerno ang mga dapat gawin. Nag-ipon sana ng pera para sa:

• Paspasang paglikas sa hanggang 2.4 milyong overseas workers;

• Tulong sa 1.9 milyong tsuper ng dyip, taxi, tricycle;

• Diesel at lambat para sa 2.3 milyong mangingisda;

• Ayudang pataba sa 5 milyong magtatanim ng palay, mais, gulay;

• Patuka sa 6 milyong maliliit na magmamanok at magbababoy;

• Magaan na pautang sa 2.1 milyong maliliit na negosyante.

Mabuti pa ang linta, kusang bumibitaw kapag nabusog sa dugo. Ang mga politiko ay walang hangganan ang pagkaganid. Maaalala:

• 2000, P130 milyong nakaw na tobacco tax dinala sa First Family;

• 2001, P3.2 bilyong deposito sa alyas Jose Velarde account;

• 2003, P321 milyong deposito sa alyas Jose Pidal account;

• 2004, P728 milyong ghost fertilizers ng mga kongresista;

• 2007, P900 milyong Malampaya fund dinugas ng Malacañang;

• 2013, P10 bilyong pork barrels ng 20 senador at 100 kongresista;

• 2019, $545 milyong Chevron shares sa Malampaya ibinalato sa kumpanya ng presidential crony Dennis Uy na $100 lang ang puhunan;

• 2020-2021, P65.19 bilyong pagbili ng pekeng pandemic supplies; P10.85 bilyon nu’n ay sa Pharmally ni presidential crony Michael Yang;

• 2016-kasalukuyan, P1.7 trilyong palpak, overpriced flood works.

Kambal na salot ang pandarambong at political dynasties. Sabay-sabay at ipinapamana ang mga posisyon ng mag-asawa, magulang, anak, lolo’t lola, apo, tiyo’t tiya, pinsan. Sila-sila lang imbis na tayo-tayo.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

KABAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with